Ngayong Biyernes sa Proudly Filipina, tampok sina Dawn Zulueta at beauty queen Margie Moran-Florendo sa isang masayang talakayan kasama ang host ng programa at birthday girl na si Charlene Gonzales-Muhlach.
Abangan ang mga pagbabahagi nila Dawn at Margie ng ilan sa mga pribadong kwento at mga sikreto sa kanilang makukulay at kahanga-hangang buhay.
Makakasama rin ni Charlene sa kanyang espesyal na araw ang mga residente ng Kanlungan ni Maria sa Antipolo Rizal.
Ang Kanlungan ni Maria ay isang home for the aged na tinatag noong May 1, 2002 ni Fr. Dari D. Dioquino ng Antipolo. Maliban sa pagiging isang facility para sa mga nakatatandang inabandona, ang Kanlungan ni Maria ay nagsisilbi ring temporary home para sa mga may mga kapansanan, single mothers, at street children.
Kaabang-abang din ang birthday surprise na ibibigay ng programa para kay Charlene. Abangan lahat ng ito ngayong 7 p.m. sa Q-11.