^

PSN Showbiz

Kuya Germs ’Di Na Bagay Magpuyat

- SEEN SCENE -

SEEN: Ethel Booba at Alex Crisano na nakita sa S&R, The Fort. Hindi na kailangang itanong kung nagkabalikan sila. They deserve each other.

SCENE: Ang maling dialogue ni Dina Bonnevie (Evita) sa Babangon Ako’t Dudurugin Kita habang tinuturuan niya si Yasmien Kurdi  (Salve) ng proper table manners. Sinabi ni Evita kay Salve na inumin na nito ang sabaw (soup). Hinihigop at hindi iniinom ang sabaw.

SEEN: Kulay pula at itim ang dress requirement sa mga artista ng Magdusa Ka. Naging pasaway si Iwa Moto dahil printed na damit na hindi kulay pula ang kanyang isinuot sa presscon ng Magdusa Ka.

SCENE: Mayaman ang karakter ni Glydel Mercado sa Babangon Ako’t Dudurugin Kita ngunit hindi niya mapaayos ang mga peklat ng sugat sa kanyang mukha. Wala nang imposible ngayon sa modern technology, ’no!

SEEN: Ang pambihirang memorya at magaling na PR ni OMB Chair Edu Manzano. Kilala lahat ni Edu ang mga reporters at tinatawag niya ang mga ito sa kanilang first name. Iilan na lamang sa mga artista ang katulad ni Edu na mahusay ang PR.

SCENE: Pre-taped ang Walang Tulugan (Master Showman) ni German Moreno. Walang dapat ipag-alala ang kanyang mga tagahanga na tila nababahala dahil hindi na bagay sa edad ni Kuya Germs ang mapuyat. Alas-kuwatro na nang madaling-araw noong Linggo nang matapos ang Walang Tulugan.

 SEEN: Nag-taping na ang Songbird, ang musical show ni Regine Velasquez na hahalili sa ESP na napapanood tuwing Huwebes ng gabi. Sina Dennis Trillo at Gian Magdangal ang mga guests sa pilot telecast ng Songbird.

Parehong binatang ama sina Dennis at Gian.

ALEX CRISANO

BABANGON AKO

CHAIR EDU MANZANO

DUDURUGIN KITA

MAGDUSA KA

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with