Joross, hindi excited kay Cristine

Para sabihin ni Joross Gamboa na hindi siya excited na makapareha ang pina­ka-­latest na recruit ng ABS-CBN na si Cris­tine Reyes, aba, pani­niwalaan nga ng mara­mi ang matagal na nilang hinala sa kanya, na siya ay bading!

Lalo’t sa kanyang pinaka-latest assignment sa Dos, sa Your Song na nagtatampok sa awitin ni Erik Santos na Here I Am ay silang dalawa ni Victor Basa ang magkapareha. Tungkol ito sa dalawang lalaki na nagkaro’n ng relasyon. Ito ay sa kabila ng pangyayaring may isang babae na nakapagitan sa kanilang dalawa, si Alex Gonzaga, na handang ipakipaglaban ang kanyang pag-ibig kay Victor, kahit pa ang makakalaban niya ay sarili niyang kapatid (Joross).

Nakakapagpalala rin ng gay issue ni Joross ang pangyayaring after Roxanne Guinoo ay ayaw niyang magka-girlfriend muli.

“Wala pa akong nakikitang bago. Pero okay na kami ni Roxanne, nag-usap na kami, wala na akong problema,” anang aktor na una nang tumanggi sa isang gay role na napunta sa isang tunay na gay dahil may mga eksena siya na ayaw gawin. Pero, sa Your Song pumayag silang pareho ni Victor na magkaro’n ng kissing scene at mga kilig moments.

Dagdag pa ni Joross, “Ang hindi ko pa alam kung matutuloy pa ang pagsasama namin ni Cristine sa una niyang assignment dito sa ABS- CBN.” 

* * *

Nagsimula na ang taping ng Pinoy version ng My Girl. Ang buong cast na sina Kim Chiu, Gerald Anderson, Enchong Dee, Alex Gonzaga, Regine Angeles, Niña Jose at bagong talent na si David Chua ay tuwang-tuwa sa kanilang naging experience sa first taping week ng serye.  

Isang linggo pa lamang silang magkakasama, pero makikita na ang pagba-bonding nila.

* * *

Congrats nga pala sa friendship kong si Pocholo Malillin, VP administrative officer/producer ng Club Mwah dahil isa siya sa 15 recipients ng outstanding achiever award ng Pangasinan mula sa Publisher Association of the Philippines, Inc. o PAP.

Nakasama  niya sina businessman Jose de Venecia III, Archbishop Oscar V. Cruz, DPWH Sec. Hermogenes Ebdane, Jr., TV journalist Maki Pulido, state prosecutor Caridad Junio, RTC Judge Clifton Ganay, mag editor Cesar Carpio at marami pang iba.

Natyempuhan ko nga pala sa Club Mwah ang mag-inang Dina Bonnevie at Danica Sotto-Pingris with their respective partners, ang young business exec/ bf ni Ms. Bonnevie at ang husband ni Danica, nang pumasyal ako do’n kamakailan.

Lahat ng patrons ng Club Mwah ay excited na sa pagsisimula ng Bedazzled 8 dahil may jet plane na magla-landing sa stage sakay si Paris Hilton. Kasama na rin sa show si Christina Aguilera.

Pwedeng tumawag sa 5322826/5357943 para sa tiket.

* * *

E-mail:   veronicasamio@yahoo.com

Show comments