Acting ni Gabby nilamon ni Tirso Cruz

SEEN: Nagpoprotesta ang fans ni Kristine Hermosa dahil nabalitaan nila ang nalalapit na pagtatapos ng Prinsesa ng Banyera. Umaasa sila na magkakaroon ng extension ang afternoon drama series ni Kristine. Bale-wala ang mga letter of appeal na ipinadadala ng fans ni Kristine sa management ng ABS-CBN dahil nakahanda na ang show na ipapalit sa timeslot ng Prinsesa ng Banyera. Dapat nang wakasan ang programa ni Kristine dahil palagi itong kulelat sa rating. Kailangang maunawaan ng fans ni Kristine na business is business. Hindi tuma­tagal sa ere ang mga programa na hindi nagre-rate.

SCENE: Nakatu­lugan ng PSG ( Pilipino Star Gossip Group ) ang panonood sa episode ng Maalaala Mo Kaya na hudyat ng pagbabalik sa showbiz ni Gabby Concepcion. Obvious na asiwa si Gabby sa pag-arte. Tumanda rin ang kanyang mukha. Hindi  yata hiyang si Gabby sa mainit na klima sa Pilipinas kaya nagka-edad ang itsura niya. Hindi siya kapani-paniwala sa kanyang role bilang family driver ng pamilya nina Tirso Cruz III at Rio Locsin. Nilamon ni Tirso ( sa acting department ) si Gabby sa kanilang mga eksena.

SEEN: Nakakatakot  at nakakagulat ang mga eksena ng Maligno. Iniiwasan ng televiewers ang panonood ng Maligno. Nag-aalala sila na baka bangungutin , bunga ng mga nakakahilakbot na eksena na malaking factor sa mababang rating ng programa.

SCENE: Hindi raw masaya si Maxene Magalona sa naging ending ng Kamandag dahil si Jewel Mische at hindi siya ang nakatuluyan ng karakter ni Richard Gutierrez. Nag-umpisa at natapos ang Kamandag na hindi nagmarka sa PSG ang mga performance nina Maxene at Jewel.

SEEN: Ang mga contract star ng Artist Center na ayaw nang mag-renew ng mga kontrata. Mas gusto ng mga Artist Center talent na maging  GMA 7 network contract star dahil hindi raw maayos ang pag-aalaga sa kanila ng Artist Center.

Parami nang parami ang bilang ng  mga talent na ayaw nang pumirma ng kontrata sa Artist Center. Maaaring may mga pagkukulang ang talent agency ng GMA 7 sa kanilang mga artista. Hindi sila tatanggihan at iiwanan ng mga talent na kuntento sa pag-aalaga nila.

Show comments