Piolo natulala kay Marian sa unang pagkikita

Sina Piolo Pascual at Marian Rivera ang bagong endorser ng Blue Water Spa. Sa unang pagkikita ng dalawa ay natulala ang aktor dahil sa ganda at kaseksihan nito.

“Mabait si Marian and very funny. Walang impo­sible kung magka­sama man kami sa pelikula some­­day. Sana mag-bon­ding kami at together na magka­samang mag-dive,” sey ni Piolo­.

* * *

Tatlong taon na ang relasyon nina Desiree del Valle at Vhong Navarro at natural lang na nag-aaway sila pamin­san-min­san pero hindi ito huma­hantong sa iskan­dalo.

Kahit maraming nag­ka­­kagusto sa kanyang nob­yo ay never siyang na-insecure.

Super busy ni Vhong pero bu­ma­wi ito nang magsyuting si Desiree sa Boracay para sa When Love Begins kung saan nakapag-bonding  sila ng nobyo nang dumalaw sa syuting.

Siya ang nagsisilbing stepmom sa dalawang anak ni Vhong sa loob ng tatlong taon. Excited na ang aktres dahil sa Tate ito magseselebreyt ng kanyang birthday (May 28) with her family dahil nataong may series of shows ito dun.

* * *

Akala ko ay magbabago na si Baron Geisler kaya nga ito namanata sa Kamay ni Hesus  noong Semana Santa kung saan kasama siya sa  Cenaculo with Boyet de Leon pero hindi pa pala.

Kailangan pa siguro nito ng mahabang gamu­tan para mapagaling ang pagiging alcoholic kaya nakakagawa ng di mabuti. Kapag la­ngung-lango  na ay di na alam ang gina­gawa.

May kakilala rin kaming young actor noon na alcoholic din at gumagamit pa nga ng ipinagba­bawal na gamot pero sa ka­gustuhang magbago ng landas ay naga­mot naman. Ngayon ay ratsada ang kan­yang pagbabalik-showbiz laluna at may pamilya na rin.

Siguro higit na kailangan ni Baron ang magulang na magiging gabay sa tamang landas na tatahakin para maisalba ang sarili sa tuluyang pagbabago. Bilang ak­tor, magaling siya pero paano siyang mag­kakaroon muli ng puwang sa showbiz kung paiiralin ang pag-uugali na dala ng masamang bisyo?

* * *

Maswerte si Valerie Concepcion laluna na ngayong lumipat ito sa ABS-CBN. Marami na siyang tagahanga hindi lang sa ‘Pinas kundi ga­yundin sa ibang bansa dahil nakatulong nang ma­laki ang kanyang hosting job sa isang noontime show.

Tumipak din sa takilya ang tambalan nila ni Vhong Navarro via Supah­palicious.

Wish nito na sana’y makasama siya sa isang soap opera dahil may ibubuga naman sa akting kaya paboritong imbitahin sa Maalaala Mo Kaya. Umikot ang mundo niya sa kanyang anak kaya di muna magpapakaseryoso sa pag-ibig.

Show comments