Piolo natulala kay Marian sa unang pagkikita
Sina Piolo Pascual at Marian Rivera ang bagong endorser ng Blue Water Spa. Sa unang pagkikita ng dalawa ay natulala ang aktor dahil sa ganda at kaseksihan nito.
“Mabait si Marian and very funny. Walang imposible kung magkasama man kami sa pelikula someday.
* * *
Tatlong taon na ang relasyon nina Desiree del Valle at Vhong Navarro at natural lang na nag-aaway sila paminsan-minsan pero hindi ito humahantong sa iskandalo.
Kahit maraming nagkakagusto sa kanyang nobyo ay never siyang na-insecure.
Super busy ni Vhong pero bumawi ito nang magsyuting si Desiree sa Boracay para sa When Love Begins kung saan nakapag-bonding sila ng nobyo nang dumalaw sa syuting.
Siya ang nagsisilbing stepmom sa dalawang anak ni Vhong sa loob ng tatlong taon. Excited na ang aktres dahil sa Tate ito magseselebreyt ng kanyang birthday (May 28) with her family dahil nataong may series of shows ito dun.
* * *
Akala ko ay magbabago na si Baron Geisler kaya nga ito namanata sa Kamay ni Hesus noong Semana Santa kung saan kasama siya sa Cenaculo with Boyet de Leon pero hindi pa pala.
Kailangan pa siguro nito ng mahabang gamutan para mapagaling ang pagiging alcoholic kaya nakakagawa ng di mabuti. Kapag langung-lango na ay di na alam ang ginagawa.
May kakilala rin kaming young actor
Siguro higit na kailangan ni Baron ang magulang na magiging gabay sa tamang landas na tatahakin para maisalba ang sarili sa tuluyang pagbabago. Bilang aktor, magaling siya pero paano siyang magkakaroon muli ng puwang sa showbiz kung paiiralin ang pag-uugali na dala ng masamang bisyo?
* * *
Maswerte si Valerie Concepcion laluna na ngayong lumipat ito sa ABS-CBN. Marami na siyang tagahanga hindi lang sa ‘Pinas kundi gayundin sa ibang bansa dahil nakatulong nang malaki ang kanyang hosting job sa isang noontime show.
Tumipak din sa takilya ang tambalan nila ni Vhong Navarro via Supahpalicious.
Wish nito na sana’y makasama siya sa isang soap opera dahil may ibubuga naman sa akting kaya paboritong imbitahin sa Maalaala Mo Kaya. Umikot ang mundo niya sa kanyang anak kaya di muna magpapakaseryoso sa pag-ibig.
- Latest