Kung annulled na, ready na bang magmahal sa iba si Lotlot?

Nakatulong ang good reviews sa Ploning kaya marami ang naengganyo na panoorin ito sa mga sinehan ng SM.

Lahat ng mga nakausap ko eh nag-dialogue sa akin na panonoorin nila ang pelikula ni Judy Ann Santos dahil na-iintriga sa madaming praises na kanilang nababasa sa mga diyaryo.

In fairness, pinilahan noong Huwebes ang mga pelikula, mapa-Ingles man o Tagalog. All seats taken ang mga sinehan ng When Love Begins at ang Iron Man.

Maganda kasi ang playdate na April 30 dahil araw ito ng suweldo at holiday kinabukasan as in Labor Day.

* * *

Ikinuwento sa akin ni Papa Ricky Lo na maganda ang episode ng The Ricky Lo Exclusives sa darating na Martes dahil napagsama-sama niya ang mga buntis na aktres, sina Sheree, Aubrey Miles, Danica Sotto at Jennylyn Mercado.

At least, napagsama sa isang guesting sina Sheree at Aubrey na parehong naging ex ni JP Obligacion.

Natatandaan ko ang intriga na handa raw si Sheree na magsalita na true ang balita na may inililihim na  anak sina JP at Aubrey.

Hindi naman nagpainterbyu si Sheree kaya kusang namatay ang isyu. Ewan ko lang kung nagpansinan sila ni Aubrey nang magkrus ang kanilang landas sa taping ng The Ricky Lo Exclusives.

Si Gian Magdangal ang tatay ng ipinagbubuntis ni Sheree at si Troy Montero ang fadir ng coming soon baby ni Aubrey. Happily married naman si Danica kay Marc Pingris.

Tanging si Jennylyn ang walang  ka-partner dahil hindi naman okey ang relasyon nila ni Patrick Garcia.

Hindi nakarating sa taping si Inah Revilla kaya magkakaroon ng separate interview sa kanya. Si Inah ang anak nina Bong Revilla at Lani Mercado na ikakasal sa May 28 at buntis na rin siya tulad nina Sheree, Aubrey, Danica at Jennylyn.

* * *

Mataas na ang rating ng Babangon Ako’t Dudurugin Kita kaya nagre-rejoice ang mga artista at production staff ng TV drama ng Kapuso.

Wala pa akong narinig na nagsabi na pangit ang kuwento ng Babangon... Kahit nga si Lorna Tolentino eh gandang-ganda sa mga eksena ng Babangon at type na type niya ang bida-kontrabida role ni Dina Bonnevie.

Sayang nga lang dahil hindi ko nasusundan ang kuwento ng Babangon dahil maaga akong natutulog. Congrats sa cast at staff ng Babangon, lalo na sa mga alaga ko na starring sa show, sina Yasmien Kurdi, Paolo Contis at ang mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado.

* * *

Watch n’yo mamaya ang Startalk dahil malay n’yo, baka magsalita na si Lotlot de Leon tungkol sa annulment case nila ni Ramon Christopher.

Annulled na ang kasal nina Lotlot at Monching pero never nagsalita si Lotlot noong pumutok ang isyu na ipinapa-annul nila ang kanilang kasal.

Matalinong babae si Lotlot. May-I-choose niya na manahimik dahil kung nagpainterbyu siya sa mga nangungulit na reporter, baka maimbyerna ang judge at lalong hindi i-grant ang annulment na kaniyang hinihingi.

Ready na ba si Lotlot na magmahal at magpakasal muli? Ma at pa! Hintayin natin ang  pagsasalita nila ni Monching!

 

 

Show comments