^

PSN Showbiz

P5-M danyos hingi kay Baron ng anak ni William

-

Bukod sa kasong act of lasciviousness, hinihingan din ni Patricia Martinez ng P5-milyong danyos-pinsala ang aktor na si Baron Geisler.

Noong Lunes, nagtungo sa women and children’s desk ng Philippine National Police sa Camp Crame sa Quezon City si Patricia, ang 21 anyos na anak ng isang beteranong aktor na si William Martinez.       

Sinabi ni Patricia na naganap ang insidente ng pambabastos sa kanya ni Baron sa isang bar sa Makati City.

Ayon kay Patricia, nagkakasayahan sila ng kanyang mga kaibigan sa naturang bar na kinaroroonan din nang mga oras na iyon ni Baron hanggang sa malasing ito.

“Sinabi sa ’kin, ‘May boyfriend ka?’ Sabi ko, ‘Meron nga, meron nga,’ ‘tapos bigla niyang sinabi, ‘Sex tayo.’ After that bigla niyang binawi, sabi niya sa akin, ‘Sorry, sorry, sorry. Lasing ako,” sabi ni Patricia, 21.

Pagkahingi ng paumanhin, niyakap umano at hinipuan ni Baron sa mukha si Patricia bago hinawakan ang kaniyang dibdib.

“Paglabas ko po ng door, doon na po ako nag-break down. Kasi I really felt violated with what he did to me, especially na pinagkatiwalaan ko siya na para ko siyang kuya,” sabi pa ng dalaga.

Pinabulaanan ni Baron sa isang hiwalay na panayam ang akusasyon sa pagsasabing baka hindi lang siya naintindihan ni Patricia dahil iniaarte lang niya ang papel ng isang sex maniac sa isang workshop na kaniyang dinaluhan.

vuukle comment

BARON GEISLER

CAMP CRAME

KASI I

NOONG LUNES

PATRICIA

PATRICIA MARTINEZ

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with