^

PSN Showbiz

Ploning ni Judy Ann talagang labor of love

RATED A - Aster Amoyo -

Ngayon namin lubu­sang naiintindihan kung bakit ganoon na lamang ang sipag na ipinakita ni Judy Ann Santos sa pagpu-promote ng peli­kulang Ploning na mag­bubukas sa mga sinehan ngayong araw na ito, Abril 30. Ang Ploning ay nabuo nang dahil sa pagma­mahalan ng magka­kai­bigan tulad nina Juday at direk Dante Nico Garcia at iba pang kaibigan.  Kumba­ga, ang nasabing pelikula ay “work of love” among friends.

Sa press preview ng pelikula na ginanap sa The Podium nung nakaraang Biyernes, wala kaming gaanong expectation sa pelikula pero nang magsimula itong ipalabas ay tinutukan namin hanggang sa matapos. 

Napakaganda ng pelikula. Napakaganda ng direction, cinematography, istorya, ng mga actors, at ng location. Para sa isang first-time director, may magandang future sa pagdidirek si direk Ga (palayaw ni direk Dante).

Ngayong araw na ito (Abril 30) ay sabay na ipapalabas ang When Love Begins nina Aga Muhlach at Anne Curtis na dinirek ni Joey Javier Reyes sa ilalim ng Star Cinema at ang Ploning ni Juday sa ilalim ng Panoramanila Pictures at co-producer si Juday. Tampok din sa nasabing pelikula sina Gina Pareño, Eugene Domingo, Mylene Dizon, Meryll Soriano, Ces Quesada, Tessie Tomas, Ronnie Lazaro at iba pa.

Parehong maganda ang When Love Begins at Ploning.  Sana parehong suportahan ng mga manonood.

* * *

Twenty three na si Angel Locsin nung Abril 23. Two days earlier o April 21ay kaarawan naman ng kaniyang rumored sweetheart na si Luis Manzano.  Nagkaroon ba sila ng joint birthday celebration?

Si Luis na isa sa mga hosts ng PBB Teen Edition ay “ikinulong” ni Big Brother sa loob ng PBB House nung kaniyang kaarawan.  Si Angel naman ay may trabaho. 

Ayon kay Angel, binigyan siya umano ng bulaklak ni Luis sa kaniyang birthday at si Luis naman ay niregaluhan ni Angel ng director’s chair na magagamit nito sa kanyang mga tapings at shootings.

Ang mga bata sa payatas ang pinasaya ni Angel nang mag-birthday siya at nung nakaraang linggo naman ay pinasalamatan ni Angel ang mga entertainment writers na patuloy na sumusuporta sa kanya. Dahil dito, nagpa-raffle si Angel ng P100,000 bukod pa sa mga giveaways na kaniyang ipinamigay. First birthday celebration ito ni Angel bilang Kapamilya at nagpapasalamat siya sa pagtitiwala na ibinibigay sa kanya.

Hanggang sa July pa tatakbo ang Lobo nila ni Piolo Pascual at pagkatapos nito ay saka naman nila sisimulan ang pelikulang una nilang pagtatambalan.

vuukle comment

ABRIL

ANGEL

JUDAY

PLONING

WHEN LOVE BEGINS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with