Sa unang pagkakataon ay pangungunahan ni Henry Samaniego ang isang promotional show tampok ang kaniyang komposisyong Pinoy. Kasama sa palabas ang mahigit isang dosenang performers na lumalabas din sa mga kilalang bar & grills sa Kamaynilaan. Nagkaroon na rin siya ng pagkakataong lumabas sa ibang bansa upang iparinig ang kanyang galing sa pagkanta at paggitara.
Si Henry ay laking Maynila, anak ng retiradong pulis custom na tubong Nueva Ecija, at ayon sa kanyang ina na si Matilde, nagmana si Henry sa kanyang lolo at lola na entabladista sa Davao.
Matutuwa kung mapapanood n’yo mismo na si Henry ang performer ngayong alas-nuwebe ng gabi (Abril 30) sa Skyroom Bar & Grill, Quezon Avenue kanto ng Don Roces St. Quezon City. Emcee dito ang kilalang radio announcer na si Tita Swarding (DZRH).
Talagang ‘‘in-na-in’’ ito sa buong pamilya ’pagkat masasaksihan ang kaniyang ipinagmamalaking komposisyon, ang TEXTmate na kinawiwilihang gawin ng mga Pinoy halos minu-minuto. Kaya tayong Pilipinas ang tinanghal sa buong mundo na “texting capital of the world.’’
Marami na ang humahanga kay Henry, na bukod sa pagiging performer ay charming na hindi malayong magkaroon siya ng CD album sa hinaharap. Kontakin si Romy Frondozo sa 0916-5270654 (talent manager) para sa ticket.