^

PSN Showbiz

Maligno gigimbalin ang Primetime Bida

-

Inihandog ng ABS-CBN ang press preview ng Maligno, featured presentation of Sineserye Presents: The Susan Roces Cinema Col­lection.

Ang Maligno ay ang TV adaptation ng isang Susan Roces classic na talaga namang nakatitindig-balahi­bong proyekto ng ABS-CBN. Pagkatapos ng matagumpay na horror series na Patayin sa Sindak si Barbara, heto na  naman ang isa pa sa pinaka-natatanging pag­ganap ng aktres na si Claudine Barretto, handang ipakita at ipadama ang takot gabi-gabi sa Primetime Bida.

Ang Maligno ay tungkol sa isang babaeng nakatakdang magsilang sa isang demonyo. Ayaw man niyang maniwala sa umpisa, unti-unting nagaganap ang mga nakasaad sa prediksyon. Hahayaan ba niyang tuluyang maging diyablo ang kanyang anak, o manaig ang makapangyarihang pagmamahal ng isang ina?

Sa teleseryeng ito, ang dating ginampanan ni Ms. Susan Roces sa pelikula na nagbigay sa Reyna ng Pelikulang Pilipino ng Famas Best Actress trophy  noong Dekada ’70 ay siyang gagampanang karakter ni Claudine; si Angela, ang babaeng nakatakdang maging ina ng diyablo.

Makakasama ni Claudine sa proyektong ito ang ilan sa mga tinitingalang artista sa industriya na pangungunahan ni Ms. Susan Roces, in a very special role, makakasama nila sina Diether Ocampo, Rafael Rosell, Kim Chiu, Gerald Anderson, DJ Durano, Arlene Tolibas, Empoy at ipinakikilala si Carlos Lacana. May special participation din si Ms. Rio Locsin. Sa programang ito rin muling makakatrabaho ni Claudine si Wenn Deramas, direktor niya sa Walang Kapalit at iba pang obra-maestra.

Tunghayan ang pagdating ng Maligno, the second featured presentation of Sineserye Presents: The Susan Roces Cinema Collection sa ABS-CBN Primetime Bida, malapit na!

ANG MALIGNO

ARLENE TOLIBAS

CARLOS LACANA

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DIETHER OCAMPO

MS. SUSAN ROCES

PRIMETIME BIDA

SINESERYE PRESENTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with