Tatlong kahanga-hangang mga Pinay ang timampok sa Proudly Filipina ni Charlene Gonzales-Muhlach nung Biyernes — sina Judy Ann Santos, Marilou Diaz-Abaya at Minnie Togno de Ramos, mga kababaihang naging matagumpay sa kani-kanilang propesyon.
Ikukwento ni Judy Ann Santos ang kanyang buhay showbiz, mula sa kanyang simpleng simula, hanggang sa siya ay maging prinsesa ng mga TV drama, at hanggang sa siya ay maging isa sa mga pinakasikat na aktres ng bansa. Ang success story ni Judy Ann ay isang inspirasyon at patunay sa halaga ng pagsisikap, pagpupursigi, at dedikasyon sa trabaho.
Kasama rin ni Charlene si Direk Marilou Diaz Abaya na nagkuwento ng kanyang face-to-face encounter sa kamatayan at kung paano ang karanasan na ito ay lalong nagpalalim ng kanyang pagpapahalaga sa buhay at sa kanyang religious beliefs.
Anim na taon lang si Minnie Togno de Ramos nang mawalan siya ng braso at nagkaroon ng mga sugat sa kanyang katawan dahil sa isang aksidente. Ngunit hindi naging hadlang ang mga bagay na ito para kay Minnie, na ngayon ay isa nang kampeon sa table tennis.
Ang mga special na kuwento ng Pinay na ito sa nag-iisang programang nagpaparangal sa mga natatanging Filipina — Proudly Filipina, tuwing Biyernes, 7PM, sa Q-11.