Paolo swak na host ng Survivor Phils.

Napili na ng GMA News & Public Affairs ang host ng Survivor Phi­lippines at ito’y walang iba kundi si Paolo Bediones. This weekend na raw ia-announce ang tungkol dito, kaya inunahan na namin sila.

Ang daming choices ng mga Kapuso viewers kung sino ang bagay mag-host ng biggest reality adventure show sa pagdating nito ng ’Pinas, but in fairness, bagay na bagay si Paolo, dahil sa experience niya sa Extra Challenge.

Kaya siguro, ititigil pansamantala ang Tok, Tok, Tok para maharap at paghandaan ni Paolo ang Survivor Philippines.

Hindi malinaw sa amin kung August ang start ng taping o airing, dahil pabulong ang pagkukuwento ng aming source. Ang pinag­hahandaan ngayon ng mga taong magpapatakbo sa Survivor Philippines  ay ang gagawing audition sa key cities ng bansa para magha­nap ng 16 castaways.                                  

* * *

Nasa YouTube ang pagkadapa ni Louie Heredia sa stage ng Wowowee nang mag-guest ito kasama sina Randy Santiago, Gino Padilla, at Raymond Lauchengco to promote their Greatest Hits of the ’80s show ng Viva Concerts.

Ilang linggo na rin nang mangyari ang pagkadapa ng singer sa stage, pero hanggang ngayon, nahihiya pa rin siya. Conscious itong baka siya ang pinag-uusapan tuwing napupunta sa public places. Nagsisisi tuloy si Louie at sana raw, nagluto na lang siya (masarap siyang magluto) sa bahay, pero dahil nasimulan na, wala nang atrasan ang pagbabalik showbiz niya.

In fairness, itinuloy pa rin ni Louie ang kanyang kanta after niyang tumayo sa pagkakadapa, sa backstage na nito nalamang may sugat ang binti niya.

Ang suot na leather shoes ang sinisisi nito sa nangyaring freak accident at ’di raw kasi siya sanay magsuot nito.

Sa May 16 and 17 ang concert ng apat na to be directed by Junjun Santiago at musical director Noel Cruz. May US tours din ito at huwag na sanang madapa uli si Louie.

Show comments