Nagsisisi na raw at gusto nang mag-sorry kay Mama Malou Choa-Fagar ng taong nanira sa kanya at nagkalat ng balita na dead na siya.
Si Mama Malou ang big boss ng TAPE Inc. na ginawan ng isyu dahil sinita niya ang dalawang reporters na bumisita sa set ng pelikula na ginagawa nina Vic Sotto at Mang Dolphy.
Nasa lugar si Mama Malou para manita dahil walang permiso niya ang pagdalaw sa shooting ng mga “bisita.”
Matagal ko nang kaibigan si Mama Malou at isa ako sa mga makapagsasabi na walang katotohanan ang mga paninira sa kanya. Isa siya sa mga madaling lapitan at hingan ng tulong kaya foul talaga ang kumalat na balita na dead na siya.
Ano ang mararamdaman ng isang naninira kung siya naman ang nasa sitwasyon ni Mama Malou at ng pamilya nito na naapektuhan ng demolition job laban sa kanya?
* * *
Hindi ako nagpunta sa presscon ng Dyesebel pero nabalitaan ko ang bonggang-bonggang presentation sa poolside ng Sofitel na may malaking part sa buhay ko.
Sa totoo lang, ang Sofitel ang isa sa mga hotels sa Maynila na may magandang swimming pool at sunset view.
Hindi nagkamali ang GMA 7 sa pagpili ng venue para sa big lau2nch ng TV version ng Dyesebel na tinatampukan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Feel na feel ko na ang kasikatan ni Dingdong dahil sa mga billboards, print ads, and TV commercials niya.
Hindi nagdalawang-isip ang GMA 7 na ibigay kay Dingdong ang role ni Fredo sa Dyesebel dahil ito ang follow-up project sa hit team-up nila ni Marian.
Bonggang-bongga ang takbo ng showbiz career ni Dingdong pero hindi siya yumabang. Hindi pumasok sa ulo niya ang kasikatan. Down-to-earth pa rin siya at madaling lapitan ng mga fans na nagre-request ng litrato at autograph niya.
Ang mga ugaling ito ni Dingdong ang dahilan kaya tuluy-tuloy ang kanyang pagsikat. Talagang good role model siya ng mga kabataan. Never natin siyang nabalitaan na nasangkot sa mga gulo, eskandalo at mga cheap na isyu!
* * *
May emote ang fans ni Angel Locsin. Wala raw silang na-feel na kilig nang sumayaw sina Angel at Luis Manzano sa birthday guesting ni Angel sa ASAP noong Linggo.
Baka tensyonada si Angel sa pagsasayaw kaya hindi na-feel ng fans ang kilig factor na hinahanap nila?
Naniniwala ako na special ang feelings nina Luis at Angel para sa isa’t isa. Sweet ang dalawa kapag namamasyal sila sa mga malls.
* * *
May additional info si Cantoshami tungkol sa mga Pilipino talent na namamayagpag sa ibang bansa.
The show si Cantoshami? Alias siya ng reader na palaging may komento sa on-line website ng PSN. Ang sey niya, may isang Pinay finalist sa So You Think You Can Dance sa Australia. Demi ang name ng Pinay na kasali sa finals na gaganapin sa darating na Linggo.
Hindi sinabi ni Cantoshami ang family name ni Demi pero siguradong hindi Moore ang kanyang apelyido!