Ala-Matrix ang bagong  plug ng Siete

Pinagsama-sama ng GMA Artist Center (GMAAC) ang kanilang mga alaga sa latest project nila, ang image plug ng talent management and deve­lop­ment arm ng Kapu­so Net­work.

Equal ang exposure ng mga alaga nila kaya walang puwedeng mag­reklamo.

Maraming namang­ha sa nasabing image plugging dahil sa Matrix-inspired vignette kung saan makikita ang prime artists ng GMAAC sa isang helipad na mga naka­itim. Kasama rito sina Mar­vin Agustin, Iza Calzado, Jennylyn Mercado, Mark Herras, Yasmien Kurdi, Nadine Samonte, LJ Reyes, Isabel Oli, Angelika dela Cruz, Marky Cielo at Aljur Ab­renica.

Sa helicopter naman ang ending ng en­gran­deng introduction. Pero hindi lang pala ito basta bonggahan kundi me­rong kahulugan dahil makikita ang transform­ation ng mga alaga nila para sa mas ma­gan­­da pang mga darating na proyekto.

Sa second part ng image plug, bida ang mga alaga ng GMAAC na child stars.

Sa third installment, makikita ang kasiyahan nila sa “clubbing style.” Kabilang sa third part ang mga Ride to Fame winners,Movers,  Starstruck Avengers na tulad nina Steph Prescott, Arci Muñoz, Jesi Cor­cuera, Prince Stefan, Jan Ma­n­ual at Paolo Ave­lino. Kabi­lang din ang mga ko­med­yanteng sina Mang Mike, Bellie Flo­rie at Pekto.

Sa fourth installment ay kinunan naman sa helipad ng GMA Net­work. Kasama naman dito ang mga alaga nilang singers na sina Mi­chael Garcia, Jenny Escalada, April delos Santos at Harry San­tos at ang uma­wit ng image plug theme song na sina Ayen Munji, Jo­nalyn Viray, Brenan Es­partinez, Bryan Ter­mulo, Gerald Santos, Ma­ricris Garcia, Ai­celle Santos at ang Su­garpop.

Si Louie Ig­nacio ang nagdirek ng plug.

Show comments