Ala-Matrix ang bagong plug ng Siete
Pinagsama-sama ng GMA Artist Center (GMAAC) ang kanilang mga alaga sa latest project nila, ang image plug ng talent management and development arm ng Kapuso Network.
Equal ang exposure ng mga alaga nila kaya walang puwedeng magreklamo.
Maraming namangha sa nasabing image plugging dahil sa Matrix-inspired vignette kung saan makikita ang prime artists ng GMAAC sa isang helipad na mga nakaitim. Kasama rito sina Marvin Agustin, Iza Calzado, Jennylyn Mercado, Mark Herras, Yasmien Kurdi, Nadine Samonte, LJ Reyes, Isabel Oli, Angelika dela Cruz, Marky Cielo at Aljur Abrenica.
Sa helicopter naman ang ending ng engrandeng introduction. Pero hindi lang pala ito basta bonggahan kundi merong kahulugan dahil makikita ang transformation ng mga alaga nila para sa mas maganda pang mga darating na proyekto.
Sa second part ng image plug, bida ang mga alaga ng GMAAC na child stars.
Sa third installment, makikita ang kasiyahan nila sa “clubbing style.” Kabilang sa third part ang mga Ride to Fame winners,Movers, Starstruck Avengers na tulad nina Steph Prescott, Arci Muñoz, Jesi Corcuera, Prince Stefan, Jan Manual at Paolo Avelino. Kabilang din ang mga komedyanteng sina Mang Mike, Bellie Florie at Pekto.
Sa fourth installment ay kinunan naman sa helipad ng GMA Network. Kasama naman dito ang mga alaga nilang singers na sina Michael Garcia, Jenny Escalada, April delos Santos at Harry Santos at ang umawit ng image plug theme song na sina Ayen Munji, Jonalyn Viray, Brenan Espartinez, Bryan Termulo, Gerald Santos, Maricris Garcia, Aicelle Santos at ang Sugarpop.
Si Louie Ignacio ang nagdirek ng plug.
- Latest