^

PSN Showbiz

Isa pang pinay nagpabilib sa talent search sa Britain

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Na-miss ko si Jobert Sucaldito sa The Buzz noong Linggo. I’m sure, may kinalaman ang big comeback ni Kris Aquino sa The Buzz kaya no-show si Jobert dahil hindi pa sila bati.

Mismong si Tetay ang nagsabi na two weeks lamang siya sa The Buzz kaya mahihinto na ang mga tsismis na hindi na babalik sa show si Mama Cristy Fermin.

Hindi pa rin bati sina Tetay at Mama Cristy. Hindi pa sila puwedeng mag-work together. Sa mga huli sa balita, dalawang linggong absent sa The Buzz si Mama Cristy dahil nagpunta siya sa Canada.

Isinama siya ni Maribel Aunor na produ ng concert nina Vhong Navarro at Vina Morales sa iba’t ibang lupalop ng Canada.

Hindi true na tsinugi o nag-resign si Mama Cristy bilang co-host ng The Buzz. Babalik siya after two weeks kaya walang dapat ikabahala ang kanyang mga tagahanga. Bakasyon din siya sa pagsa-submit ng column dito sa PSN.

* * *

Share ko muna sa inyo ang good news na ipinadala sa akin ni Kulit tungkol sa Pilipina na nag-join sa Britain’s Got Talent. Madonna Decena ang name niya pero hindi siya kamag-anak ni Cristina Decena. Read n’yo ang balita ni Kulit:

“Hello Ms. Lolit. Gusto ko lang i-share sa inyo ang napanood kong kababayan natin na si Madonna Decena sa ‘Britain’s Got Talent’ show noong Sabado.

Inawit niya ang I Will Always Love You sa nasabing show para makapasok siya sa semi-finals at talaga namang nakakabilib ang kanyang husay sa pag-awit kung kaya’t napahanga niya ang mga judges na sina Piers, Amanda, at Simon Cowell.

 Binigyan pa siya ng standing ovation ng audience. She made the whole Filipino community here in the UK very proud of her because of her amazing talent. It was kind of sad though as she cried when Piers interviewed her prior to her singing on stage. I do hope and pray she’d sail through in the said competition. She’s another excellent Filipina singer making herself known in the international scene. She’s got my vote!”

* * *

Ang ganda ng bahay nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na na-feature sa YES  Magazine.

Ipinakita nila na may taste sila sa pagpili ng mga gamit sa bahay.

Buy ninyo ang bagong isyu ng YES dahil hindi lamang ang lovenest nina Zoren at Carmina ang makikita ninyo.

Nandoon din ang mga litrato ko na kuha nang magbakasyon kami sa Europe nitong January lang.

May article din ang YES tungkol sa mga mhin na nali-link kay Gretchen Barretto.

Ewan ko lang kung mag-react ang mga mhin at si Greta dahil masyadong detalyado at kontrobersyal ang pagkakasulat sa article. Imposibleng walang mag-deny at mag-react!

* * *

True na tumawag sa akin si Mommy Rose Flaminiano dahil nag-worry daw si Gabby Concepcion nang mapanood nito sa TV ang pagbabayad ko ng piyansa sa korte dahil pa rin sa libel case na isinampa laban sa akin nina Piolo Pascual at Sam Milby.

Sa mga nagtatanong kung ano ang reaksyon ko sa concern ni Gabby, wala ang aking sagot dahil si Mommy Rose at hindi naman siya ang tumawag sa akin. Katulad nang sinabi ko sa Startalk noong Sabado, ayokong magpaka-showbiz. Yun lang!

vuukle comment

COUNTRY

MAMA CRISTY

PLACE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with