Cristine Reyes ‘di kilala ni KC!?

Polite naman ang pagkakasabi ni KC Con­­ cepcion “Sino po?” nang tanungin siya sa interview ng Cinema News One kung anong welcome message niya kay Cristine Reyes na lumipat sa ABS-CBN.

As in hindi pala kilala ni KC si Cristine. Eh ang akala pa naman daw ni Cristine eh sikat na siya.

“Kaya nga di ba nag-feeling siya,” say ng isang mataray na showbiz insider.

Well, siguro naman, hindi makakapalag si Cristine kay KC dahil hindi naman ito puwedeng mang-intriga at hindi siya puwedeng magsalita ng anything against KC dahil marami siyang maka­kalaban.

* * *

Puwede nang tawa­ ging commercial princess si Sarah Geronimo. Kabi-ka­bila  na kasi ang com­mer­cial niya na ang pina­ka-latest ay ang Her­Bench.

In fairness to Sarah, lalo siyang gumanda sa kan­yang latest endorsement. Dalaga na nga siya at boyfriend na lang ang kulang. Pero consistent sa pagsasabi si Sarah na meron naman siyang crushes kaya lang, ayaw muna nitong mag-concentrate sa issue ng love dahil priority niya raw ang trabaho. Next month, kasama na sa schedule niya ang shooting ng launching movie na ilang beses nang naudlot dahil sa sobrang hectic ng kanyang sked.

Pero kailangan na niyang gawin next month dahil hawak na ni Boss Vic del Rosario ang script ng launching movie niya na co-prod ng Star Cinema and Viva Films.

Anyway, almost 100% tapos na ang dream house ng pa­milya Geronimo some­­where in Que­zon City.

Kaya nga nata­tawa na lang ang pamilya ni Sarah ka­pag sinasabing tiniti­pid siya ng pamilya. Eh kaso ang hindi alam ng marami, si Sarah mismo ang nag-volunteer sa na­nay niyang magtipid sila dahil naka-reserve ang ang money nila sa nasabing dream house.

Ngayon, ini-enjoy ng mag-anak nila Sarah ang nasabing bahay na say ng mga kaibigan ng pamilya ay mari-realize mo na tama ang ginawa ng pamilya ng singer/actress na mag-kuripot.

* * *

In fairness, magkakaroon ng repeat ang Golden Divas –Pilita Corrales, Carmen Patena and Carmen Soriano.

Super successful kasi ang naunang two night concert nila sa Music Museum last March. As in jampacked ang MM. Kaya lang ang naging siste noon, since mga majority sa nanood ay mga lolo at lola, nahirapan silang umakyat sa venue.

Yung iba, kailangan pang akayin ng mga ushers and usherettes paakyat lalo na yung ang ticket ay sa balcony.

Kaya nag-decide ang Viva Concert and Events na mag-change ng venue para naman hindi mahirapan ang mga lolo at lola sa pag-akyat. This time sa SMX na, sa may Mall of Asia. Dito nga naman, wala silang aakyatang mataas na hagdan.

In fairness uli, meron pa talagang following ang tatlong beteranang singer.

Since, mga senior citizen ang following nila, madadatung kaya afford nila ang gumastos kaya siguradong manood ng repeat ng Golden Divas nina Pilita, at ng dalawang Carmen ang mga nanood noong una at idagdag pa ang mga hindi nakapanood dati.

Si Mr. Vic del Rosario ang may idea na pagsamahin ang tatlong beteranang singer kaya nga nang makita niyang may demand pa para sa tatlo, nag-decide siyang  magkaroon ito ng repeat. –Salve Asis

Show comments