Angel at Piolo patok na tambalan

Walang kaduda-duda na patok na patok ang tambalang Piolo Pascual at Angel Locsin hindi lamang sa teleseryeng Lobo sa ABS-CBN ngunit pati na rin pagdating sa product endorsements.

Malaking patunay sa kasikatan ng dalawa ay ang ginawa nilang commercial noong 2006 para sa San Mig Coffee Sugar Free, na ngayon ay humahataw na sa merkado bilang numero uno sa Pilipinas ayon sa Nielsen Company.

Kaya naman pinagsama silang dalawa sa isang “situmercial” ng naturang kape na kinu­nan nitong nakaraan sa La Mesa Eco-Park sa Quezon City. Ang naturang “situmer­cial” na halaw sa Lobo at idinerihe ni FM Reyes.

“Excited at masaya siyempre dahil malaki ang naitulong naming dalawa. Iba siyempre yung pakiramdam na pinagkakatiwalaan ng mga tao,” wika ni Angel.

Sagot naman ni Piolo: “Our team-up really started in commercial and now here’s Lobo. Of course, I’m happy to be working with someone whom I’m very comfortable with and doing something we believe in.”

Halatang may chemistry ang dalawa na madalas makitang nagbibiruan sa set ng Lobo, kung saan tampok si Piolo bilang isang sundalo at fashion assistant naman si Angel (Lyka).

“It’s really hard to define chemistry. It’s really hard to tell. But the fact that we are being paired in Lobo and we’re doing another commercial together means that our tandem is effective,” ani Piolo.

“Actually, itong Lobo lang talaga muna ang pinagkakaabalahan namin. Merong plano pero ’di pa namin masabi kung kelan,” sabi ni Angel.````

Show comments