Luzon ang target ng Pinoy Idol ngayon

Nalibot na ang Visayas. Hinalughog na ang Mindanao. Ngayong Saba­do tunghayan ang pag-ikot sa Luzon para sa ginawang audition ng pina­kamalaking reality talent search sa bansa hatid ng GMA 7, ang Pinoy Idol, 6:30 p.m., pagkatapos ng Pinoy Records.

Makakasama muli ang tatlong batikang hurado: Star-maker at talent manager Wyngard Tracy, singer-songwriter Ogie Alcasid at singer-actress-host Jolina Magdangal, sa kanilang ginawang pagbisita sa hila­gang bahagi ng Luzon upang ituloy ang audition para sa hihiranging kauna-unahang Pinoy Idol.

Naging saksi silang lahat sa likod ng drama ng bawat sumaling kalahok na nag-audition sa Visayas at Mindanao. Umapaw man ang saya ng mga masuwerteng napili at nabigyan ng gold tickets, bumaha rin ng luha sa mga ’di pinalad na makapasok.

Hindi naman pinalampas ng host na si Raymond Gutierrez na dama­yan ang mga Pinoy Idol hopefuls sa kanilang tagumpay o pagkabigo. Agad na nakaabang si Raymond upang magbigay ng suporta at payo sa mga natanggal at samahan sa kanilang pagdiriwang ang mga nakapasa sa paninindak ng mga hurado.

Ang GMA Network, Inc ang siyang nagmamay-ari ng airing rights ng localized American Idol franchise ng Fremantle na patuloy na kinagigiliwan sa iba’t ibang panig ng mundo. Naihatid na rin ng istasyon ang Whammy at Celebrity Duets na pag-aari rin ng Fremantle na tunay namang humakot ng tagumpay sa bansa.

Sinu-sino ang mapapabilang sa grupo ng mga iidolohin sa Luzon? Sak­sihan ngayong gabi sa Siete!

Show comments