VICKY natupad  sariling WISH!

Matapos pagbigyan ang daan-daang kahi­lingan ng iba, natupad din ang sariling wish ni Ms. Vicky Morales.

Sa es­pesyal na han­dog ng Wish Ko Lang! bukas, ibaba­hagi ni Vicky ang kani­yang mga pi­nagda­anan bago ma­ging isang ganap na mom­my. Ba­ba­likan din ni Vicky ang mga gina­wa nilang mag-asawa ka­bilang na ang pag­sayaw sa Obando Fes­tival.

Mahaba man ang paghihintay, ni minsan hindi raw nawalan ng pag-asa ang fairy god­mother ng bayan. At tu­lad ng mga naki­lala na­tin sa kani­yang award-win­ning na prog­rama, mapapaluha rin si Vicky nang mala­mang mag­kakatotoo na ang kani­yang matagal ng pa­ngarap.

Ito na ang Wish Ko Lang! episode na di da­pat palampasin! A­ba­­­ngan ngayong Sa­bado, 4:30 ng hapon sa GMA 7.

Show comments