Gabby ipapareha kay Juday?

Totoo ba ito? Nabalitaan ko kasi na balak  pagsamahin sina Gabby Concepcion at Judy Ann Santos sa isang telenovela. I’m sure love story ang tema dahil ayaw pa raw tumanggap ng father roles ng balik-bayang aktor. Kung si Aga Muhlach nga pwede pa sa mga batang leading ladies, ’di pwede pa rin si Gabby dahil hindi naman nagka­kalayo ang edad nila ni Aga? At si Juday naman ay hindi na sweet 16.

* * *

Usap-usapan naman ang coffee table book na ginawa ni Dingdong Dantes. Merong pumupuri at marami rin ang pumupuna. Ewan ko ba naman kung ano ang dapat pagtalunan, basta ang importante hindi naman alangang maging isang sex symbol si Dingdong. May katawan naman siya, hindi bilbilin at may mukha pa.

Andun pa rin ang malaki niyang billboard sa EDSA na nabalitaan kong tatanggalin daw. Wala naman akong nakikitang masama sa kuha dahil maganda naman at hindi masagwa. Ano ba ang kaibahan ng kuha kung siya ay naka-shorts sa halip na naka-briefs lamang? Di ba wala?

* * *

Magkasama kami ni Angelu de Leon sa indie film na Crossroad na prodyus ng aktor na si Allen Dizon. Andun pa rin ang kagalingang umarte ni Angelu kaya nanghihinayang ako dahil parang hindi nagtuluy-tuloy ang mga careers nilang magka­kabarkada sa TGIS (Onemig, Bobby, Raven, atbp.) gayong magagaling naman silang artista. Saan nga ba at sino ang nagkulang?

* * *

Sayang at busy pa rin sa kanyang album si Billy Joe Crawford. Kaya hindi muna ito makadalaw dito sa bansa natin. Sana lang mabigyan siya ng pagkakataong mai-promote ang album niya rito. Papatok ito rito dahil alam n’yo naman ang mga Pinoy, palaging suportado ang kababayan nila, lalo’t sa abroad. Pero ano’ng malay natin, baka sa Pasko ’andito siya uli. Alam n’yo naman si Billy, dito sa ’tin pinakagusto laging mag-Pasko.

Show comments