Claire De La Fuente nali-link sa bata at poging doktor

Bihirang mapag-usapan ang lovelife ng global artist na si Claire de la Fuente. Paano super suc­cess­ful naman kasi ang comeback ng pambatong diva ng dekada ’70 dahil sa kaniyang latest album, Some­thing In Your Eyes under Viva Records na gold record na at malapit ng mag-platinum. May Midas Touch talaga si Claire dahil parehong singing career niya at negosyo ay napapagtagumpayan.

At ngayon naman, ibang parte niya ang napapag-usapan kasi naman ay nali-link siya ngayon sa isang bata at guwapong doktor na may mataas na posisyon sa ospital na paborito ng mga sikat na artista. Dahil sa pogi, matalino at mayaman ay pinagkakaguluhan ng mga girls ang nasabing doktor sa ospital na iyon. Kaya lang sorry na lang sa mga naghahabol dahil isa lang ang talagang napupusuan daw ng young doc – ang mellow singer na si Claire de la Fuente. 

No comment pa ang mestisang balo sa isyung ito pero malay natin, sa big presscon nito para sa gagawin nilang concert ng isa sa mga icons ng Hollywood music industry na si Richard Carpenter na siyang composer ng  Something In Your Eyes ay magsalita na rin si Claire sa kaniyang buhay pag-ibig naman. Feeling heaven nga pala ang singer dahil makaraan ang maraming taon ay nakagawa na naman siya ng panibagong hit na nag-No. 1 sa Most Requested Song sa Yeskalera sa 101.1 Yes FM.

Show comments