Papainit na Kamandag

Papainit na ang mga eksenang darating sa Ka­mandag ngayong mga darating na araw. Ang pag­sugod ng mga ambog sa lupa at ang pa­gpatay nito sa mga tao ng walang awa ang siyang pinaka­malaking prob­lemang haharapin.

Si Vergel ay sasama­han si Alicia na pumunta ng San Isidro upang ha­na­­pin ang bangkay ni Ad­­lak, ngunit na kay Gulag na pala ito.

Akmang papata­yin ni Lucero si Abdon dahil nalaman nito na ang kan­­­­­yang ama pala ang nag­papa­tay kay Jenny, nang biglang sinabi ni Abdon na pwe­de silang magsi­mulang muli bi­lang mag-ama.

Si Doro ang haharap sa mga ambog. Sina­bi ni Lily kay Bo­yong na hin­di na si Ka­mandag ang kanyang Kuya Ver­gel kaya’t gulat na gulat itong tutulong sa kan­yang ina na si Rago­na.

Hindi naman maka­pa­­niwala si Ding­gol nang ma­kitang buhay si Ra­gona.

Sinabi ni Lily kay Gu­lag na siya ang pu­matay kay Adlak at hindi si Vergel ngunit sinak­sak pa rin ito ni Gulag nang wa­lang pata­wad.

Sigaw nang sigaw sina Lily at Ali­cia. Pa­tay na ang wa­lang kapang­yari­hang si Vergel.

Na­­ki­­pag­­la­ban din na­man si Di­tas sa mga am­bog. Nag­­pun­ta sina Ra­gona at Dinggol pati ang mga tauhan nito sa lupa. Mag­kikita na sila ng anak na si Bo­yong at ma­gu­gulat ito sa balita ni Bo­yong na wala na nga si Vergel.

Tuluyan na bang  ma­­­­mamaalam si Ver­gel? Ma­lalaman ang sagot tu­wing gabi sa GMA Net­work.

Show comments