Sunud-sunod na mga message ang natanggap ko mula sa mga kababayan natin sa ibang bansa.
Bothered sila sa news na napanood nila sa BBC na may food crisis sa ating bayang magiliw. Shocked sila sa eksena na napanood nila, ang mahabang pila ng mga Pinoy na bumibili ng bigas.
Talagang malakas ang impact at effect ng TV sa mga tao.
Napapalaki ng TV ang mga simple at maliliit na balita.
True na nakababahala ang imahe ng mahabang pila ng mga bumibili ng bigas pero hindi dapat mag-panic ang mga kababayan natin sa ibang bansa dahil ginagawa ng gobyerno ang lahat ng paraan.
* * *
Hindi ako naniniwala sa tsismis na secretly married sa Las Vegas ang sikat na aktor at ang kanyang gf na aktres.
May duda na gimik lamang ang tsismis dahil malapit nang lumabas ang bagong TV series ng aktor.
Siyempre, magkakaroon ng maraming publicity ang aktor kapag sinagot niya ang isyu.
Marunong na ang mga artista. Kung magpapakasal sila, tiyak na hindi sa Las Vegas dahil puwede nang ma-check sa Internet ang pangalan ng mga nag-isang dibdib doon. Nag-isang dibdib daw o!
Kahit magtanong pa kayo kina Vilma Santos, Edu Manzano, Amalia Fuentes at Joey Stevens.
Di ko na isinama ang mga name ni Nora Aunor at Nori Sayo dahil nag-deny sila as in may naninira lamang daw sa kanila.
* * *
Malaki ang tampo ng sikat na aktres sa kanyang mother studio dahil taken for granted siya.
Never daw naramdaman ng aktres na importante siya sa kanyang mother studio.
Nag-taping na ang aktres para sa kanyang bagong TV show pero walang katiyakan kung kailan ito maipalalabas.
Mabuti na lang, visible ang aktres dahil sa mga TV commercial niya kaya parang active na active pa rin siya sa showbiz.