Muli na namang magmamarka ang GMA News and Public Affairs sa kasaysayan ng broadcasting sa pamamagitan ng paghahatid ng SIGNOS: Banta ng Nagbabagong Klima.
Nilalayon ng espesyal na palabas na itong gawing makabuluhan ang diskurso ukol sa unibersal na isyung madalas makaligtaan ng gawi ng lipunan. Hatid ito ng GMA News and Public Affairs upang magpagtuunan ng pansin ang lumalalang tawag ng climate change.
Sa ngayon, unti-unti nang nararamdaman ang dulot ng climate change dahil maging ang Pilipinas ay direktang natatamaan ng global phenomenon na ito.
Sa Bicol at El Nido, patuloy na lumalala ang tangka sa biodiversity dahil sa coral bleaching. Nagkakaroon tuloy ng migratory pattern ang underwater life sa mga nasabing lugar. Sa Cagayan, isang area ang malubhang tinamaan ng snail fever, samantalang sa General Nakkar, nagkakasakit ang mga Aeta ng malaria.
Maging ang mga malalakas na bagyong Reming at Milenyo ay pinaniniwalaang dulot ng climate change. At dahil maraming coast areas ang Pilipinas, malaki ang posibilidad na tumaas ng isang metro ang sea-level dito.
Huwag palampasin ang full-length documentary na SIGNOS: Banta ng Nagbabagong Klima, eere sa Abril 20 pagkatapos ng Full Haus.