Kung titingnan, parang napakadali lang para kina Teresa Licaros at Maggie Wilson, kapwa mga beauty queens, na maging fit and fab.
Pero ayon mismo sa kanila, hindi ito automatic lang, pinagtatrabahuhan ito, ’ika nga.
Ito ang dahilan kung bakit bagay sina Teresa at Maggie para sa pinakabagong public affairs program ng Q-11, ang FIT and FAB – isang health and wellness magazine program para sa mga kababaihan na airing tuwing Miyerkules 10 p.m.
Sa bagong show na ito matututunan ng mga kababaihan ang mga possibilities para maging fit, healthy, at fabulous at the same time. Holistic o pangkabuuan ang approach ng show.
Importante rito ang pagkakaroon ng healthy outlook bukod sa healthy body ayon kay Maggie, ang Filipino-British beauty queen, actress, VJ, at model.
Ang mga segment na tulad ng Let’s Get Physical, Bring Out Your Fab Side, at Fit to Eat ay nais maghikayat sa mga manonood na maging adventurous. Isang goal ng show ang women empowerment ayon kay Teresa, ang beauty queen na nagtapos na summa cum laude sa University of the Philippines kamakailan at ngayon ay isang law student.