^

PSN Showbiz

‘Nipple slip’  ni Hazel Ann… wala lang

- SEEN SCENE -

Seen: Nag-boo ang mga Pilipinong nanood ng concert ng Toto noong isang linggo. Naimbyerna sila dahil ginawang medley ng grupo ang kanilang mga sikat na kanta. Maigsi rin ang concert. Sigurado ang mga nanood ng Toto concert na dinaya sila.

Scene: Hindi pinag-uusapan ang “nipple slip” ni Hazel Ann Mendoza sa dance number niya sa ASAP noong Linggo dahil mabilis ang pangyayari at hindi pa siya sikat.

Seen: Ana Roces. Payat na ang aktres na muntik nang gumanap noon na Dyesebel. Kung kailan nakipaghiwalay sa asawa, saka gumanda at pumayat si Ana. Mailap ang suwerte ng showbiz kay Ana. Hindi natuloy noon ang launching movie niya at nang papasikat na siya, biglang lumitaw sa eksena si Rosanna Roces na katunog ng kanyang pangalan.

Scene: Kulang sa puso ang interbyu ni Korina Sanchez sa lalaki na iniwanan ng sariling ina at tinangay ang kanyang tsinelas na goma sa episode ng Rated K na ipinalabas noong Linggo. Maganda sana ang materyal ngunit maraming kulang sa kuwento. Hindi ipinaliwanag sa manonood kung paano natagpuan ni Korina ang ina ng lalaki. Marami pang kakainin na bigas ang staff ng Rated K para mapantayan nila ang galing sa pagpapaiyak ng staff ng Wish Ko Lang.

Seen: Ang interbyu kay Ramiele Malubay ng Entertainment Tonight at The Insider. Mama­malagi muna si Ramiele sa LA dahil nais niyang i-pursue ang kanyang singing career. Mahihirapan si Ramiele. Hindi niya napabilib ang mga voters at texters ng American Idol, ang mga record pro­ducer pa kaya sa Amerika?

Scene: Hindi naging maingat ang staff ng Unang Hirit. Kitang-kita kahapon sa telebisyon ang katawan ng taong nagpapagalaw at nagsisilbing boses ni Arn-Arn, ang puppet ng programa at alter ego ni Arnold Clavio. Nakakasira tuloy ng ilusyon.

AMERICAN IDOL

ANA ROCES

ARNOLD CLAVIO

ENTERTAINMENT TONIGHT

HAZEL ANN MENDOZA

KORINA SANCHEZ

RATED K

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with