Uulan ng patawa sa Abril 11

Ang Ganda Ko!...Joke! ‘yan ang ibinigay na title ni direk Wenn Deramas para sa post-birthday concert ni Vice Ganda on April 11, 9 p.m. sa Metro Comedy Bar, West Avenue.

Grabe ang preparasyong ginagawa ni Vice dahil siya mismo ang nag-iisip ng gimik at sor­presa. Aba’y ilang damit ang kanyang hiniram.

“Pati ‘yung bonggang gown na isinuot ni An­gelika (Katrina Halili) sa ending ng Marimar, ’yon mismo, isusuot ko,” sabi ng komedyanteng si Vice.

Dahil guests din ang mga singers na sina DJ Durano at Ronnie Liang, “Pag-iisipan ko pa kung lalaswain ko sila o hihipuan ko. Sana, kaya ng powers ko!” pabirong dagdag nito. 

Mukhang naglili­himan sina Vice at ang mga guests niyang sina John Lapus at Cho­koleit sa mga isusuot sa kanilang showdown, dahil uma­atika­bong ka­bugan ang hatawan nila ng sayaw at patawa sa stage.

“Ay, ‘day...malalakas ‘yan sa audience, ‘no!  Show ko ‘yan, kaya pa­kakabog ba ‘ko?” sey ni Vice.

Hindi rin pakakabog sa batuhan ng punch­line si Toni Gonzaga na “pinsan” ni Vice sa Ma­ging Sino Ka Man 2.

Tickets are available also at Punchline, Laff­line, and Metro Bar o mag-text or tumawag sa 0922-8398878 para ma­­kapagpareserba ng maaga.

Show comments