No kubeta sa I Witness

Bahagi ito ng ating ritwal tuwing umaga. Kubeta, palikuran, kasil­yas, CR… Anupa­man ang tawag mo rito, lahat tayo aminadong maha­la­gang parte ito ng ating pang-araw-araw na buhay.

 Kaya nakagugulat malaman na marami pa pala sa mga bahay sa Pilipinas, walang kubeta!  Sa pinakahuling  sanita­tion survey na isinagawa ng Department of Health, lumalabas na hindi lang sa probinsiya may kakulangan ng ganitong pasilidad, kundi maging sa mga malalaking siyudad sa Metro  Manila at karatig-bayan nito.

Ngayong Lunes sa I-Witness, haharapin ni Sandra Aguinaldo ang bumaba­hong problema ng kawalan ng palikuran - at ang epekto nito sa ating kalusugan at kapaligiran.

Sa probinsya ng Rizal na kabilang sa Mega Manila, tinatayang kalahating porsyento ng populasyon ang walang CR.  Uso pa rin daw ang “hukay” system sa mga bukid, o kung hindi man, diretso na sa Ilog. At kapag inabot ng gabi ang call of nature, sa plastic o arinola na lang sila dumudumi, sabay tapon sa bukid. 

Show comments