“Ika’y mapapa-wow!” ‘Yan ang tagline ng What’s on Weekend (WOW), isang travel and lifestyle show na ididirek at iho-host ni Dr. Joel Mendez. Sisimulan ang pilot airing sa Abril 7, 11:30-12 nang gabi sa Studio 23.
Ang trenta minutos ay magiging siksik sa paglalahad ng mga pangunahing tourist destinations sa Pilipinas. Ang una sa listahan ay ang Camiguin, isang bulkang pulo sa may parteng Mindanao.
Mayroon ding segment ang WOW na tinatawag na Side Trip/Side Show at para ito sa mga corporate events, fashion shows, beauty contests, at iba pang interesanteng palabas para sa isang biyahero.
Si Doc Joel na kilalang Doctor of the Stars ay magbibigay ng mga papremyong wellness treatments sa kaniyang Mendez Clinic para sa mga sariling contests ng kanyang palabas.
Ang magiging co-host ni Doc Joel sa mga darating na episodes ng WOW ay si Denise Laurel.
Ang mga libreng health seminars naman ng doktor ay sa Breast Augmentation (Abril 22), Pap Smear (Abril 23), Flu Vaccine (Abril 24) at Cervical Cancer (Abril 30) at magsisimula tuwing alas-dos ng hapon sa Mendez Clinic, 3rd Level, Robinsons Place Manila. Maaaring tawagan si Chubs sa 386-5564, 384-5571, 0917-3399663.