Idi-deposit na lang ni Mrs. Rose Flaminiano sa account ng GMA Films ang tinanggap na down payment ni Gabby Concepcion sa nasabing film outfit ayon sa isang insider ng ABS-CBN. Iko-contest daw kasi ni Mrs. Flaminiano na hindi naman si Gabby ang bida sa nasabing movie ng GMA FIlms kundi si Jolina Magdangal eh ang usapan daw supposedly ay comeback movie ang nasabing project ni Gabby na gagamitin nilang ground para ma-delay ang project with GMA Films.
Pero ayon sa source, inaalok ni Mrs. Flaminiano si Mother Lily Monteverde ng co-production with Gabby and Marian Rivera. Ang unang tinawagan daw ay si Mother Lily since may contract sa Regal Films si Marian pero ang say daw ng Regal matriach, sa GMA 7 dapat makipag-negotiate si Mrs. Flaminiano. Supposedly, co-production venture ang Gabby-Marian movie ng Star Cinema and Regal Films para lang ma-resolve na ang issue sa pinirmahang contract ni Gabby.
Anyway, kahapon ay binigyan ng isang malaking presscon si Gabby ng mother studio niya ngayon, ang ABS-CBN. In fairness to Gabby, guwapo pa rin siya at parang maraming excited na makita siya.
Sa question and answer portion, inamin naman ni Gabby na totoong tumanggap sila ng downpayment pero nagka-problema sa script kaya hindi nag-materialize ang nasabing project with Jolina. Pero ready na siyang mag-shooting ng movie for Star Cinema though wala siyang idea kung anong project ang uunahin niya. Basta mas mauuna raw ang Maalaala Mo Kaya.
Pero binibigyan niya ng taning ang career niya sa bansa. “Merong taning ang buhay ko sa showbiz. Pero gagawin ko ang lahat,” he said sa open forum.
As much as possible din, ayaw na niyang pag-usapan sina Sharon Cuneta and KC Concepcion. “Hindi naman sila ang dahilan kung bakit ako nagbabalik sa showbiz. Nagkataon lang na pareho silang important part of my life.”
Dumating si Gabby noong Linggo.
At nakagawa na pala siya ng 60 blockbuster movies kasama ang mga de-kalibreng actor sa mga pelikulang katulad ng Pangako ng Puso at Minsan Lang Kitang Iibigin.
Isa siya sa mga pinakasikat at paboritong leading men sa industriya na nakasabayan nila Aga Muhlach, Albert at William Martinez.
Ang original na Regal baby ay nagwagi na rin ng mga acting awards mula sa Gawad Urian para sa mga pelikulang Narito ang Puso Ko, Hahamakin Lahat at Pahiram ng Isang Umaga.
Umalis ang aktor noong 1995 sa bansa na nasa kasagsagan ng kanyang career. Namalagi sa US at nagsumikap upang maging isang matagumpay na real estate broker. Nagbunga naman ang kanyang pagtityaga dahil napabilang siya sa Top 10 brokers sa California though grabeng struggle daw ang kanyang pinagdaanan. (SVA)