Pormal nang inihayag ng GMA 7 ang pagsisimula ng Pinoy Idol ngayong Abril 5, pagkatapos ng Pinoy Records.
Matapos ang awdisyon sa Cagayan de Oro, Cebu. Batangas, Davao, Iloilo, Mega Manila, Dagupan at Clark upang hanapin ang pinakamagagaling na aplikante sisimulan na ang patimpalak para koronahan ang kauna-unahang Pinoy Idol. Sinala at pinag-isipang mabuti ang mga mabibigyan ng gold ticket para maglaban-laban sa pinakaaabangang talent search hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa.
Sa pagsisimula ng kompetisyon ating muling masasaksihan ang husay at abilidad ni Raymond Gutierrez pagdating sa pagho-host.
Ang respetadong star-maker at talent-manager Wyngard Tracy, isa sa pinakasikat na singer at songwriter Ogie Alcasid at ang paborito ng lahat na singer-actress-host Jolina Magdangal, ang magsisilbing hurado.