Comprehensive modeling workshop ngayong summer

Gaganapin na ng Modelo Pilipinas Casting and Training Center ang kanilang ika-15th batch para sa summer comprehensive modeling workshop sa Abril 28.

Ang modeling workshop na kumpleto sa modules ay para sa adults at bagets  na may edad 6 taon pataas.

Ang graduation ay isasagawa sa pamamagitan ng isang fashion show sa Robinsons Place, Manila sa May 17, 2008.

“Marami na kaming na-attract na graduates mula sa iba’t ibang colleges and universities sa buong bansa. Kahit na yung mga nasa late 20s at nagi-enroll din at marami kaming natatanggap na referrals sa mga dati naming estudyante. Ibig sabihin happy sila sa pagtuturo namin,” sabi ni Dennis Arca, owner/model coach.

Ang graduation fashion show naman ng Batch 14 ay sa April 25, 2008 sa Robinsons Galleria.

Noong January 20, 2008, rumampa ang Batch 13 graduates sa Central Plaza ng Eastwood City na suportado ng Chocolate Clothing Company, Lime, Michelis, Inc. at Girl Shoppe.

Para sa iba pang detalye, tumawag sa 726-2392 o sa 723-1769  at magsadya sa MP office Unit 304 Richbelt Tower, 17 Annapolis St., Greenhills, San Juan City.

Show comments