Ang Sarap... papasok sa PBB

Ang nakakaintrigang tanong ngayon ng marami, bakit nga ba tunay na Ang Sarap Dito sa Pinoy Big Brother House?

May kinalaman ba ito sa bagong look ng bahay ni Kuya?

Dahil nga ba masarap panoorin ang ating mga housemates na may iba’t ibang personalities? O di kaya naman may kinalaman ito sa maaring mga bagong hamon na kailangan nilang pagdaanan.

Sabi ng aming source, may malaki kasing pagbabago na mangyayari sa PBB Teen Edition Plus simula ngayon, April 5. Tiyak na may kakaibang maasahan ang lahat sa pinakasikat at kontrobersiyal na bahay sa bansa. Ang sarap talaga rito kaya’t ano pang hinihintay n’yo, sumugod na kayong lahat sa harap ng PBB House ngayong Sabado.

Wait and see na lang tayong lahat sa malaking kaganapang ito.

Show comments