^

PSN Showbiz

Mas kwela sa naunang Manay Po

-

Maganda ang feedback ng trailer sa mga sinehan ng Manay Po 2…Overload. Mismong ang mga theater bookers ang nagsasabi kay Mother Lily Monteverde na natatawa ang mga nanonood sa sinehan everytime na ipalalabas ang trailer ng pelikula nin John Prats, Polo Ravales and Jiro Manio sa direction ni Joel Lamangan.

Mas kuwela raw kasi ito kesa sa naunang Manay Po samantalang kumita na ito noon. Kaya ang prediction, mas kikita ang Manay Po 2…Overload.

Kung sabagay, additional character sa pelikula si Rufa Mae Quinto as beautiful baby maker na gustong anakan ni Polo Ravales. May agreement kasi sila ng kanyang partner na si Sid Lucero (pinalitan niya si Luis Alandy sa nasabing character).

Mas exciting din daw ang story nito dahil may selosan factor na sa pagitan nina Cherry Pie Picache.

Kahit si Direk Joel Lamangan ay nagsabi na mas magi-enjoy ang marami sa Manay Po 2.

Highlight kasi ng movie ang musical number kasama ang buong cast – Jiro, Polo and John na nakabihis na pambuntis, ganundin sina Rufa Mae and Cherry Pie.

Kakantahin nila ang Jontis na kung ilang araw ding kinunan at nagpalipat-lipat ng locations.

Naka-schedule ipalabas sa Metro Manila theaters ang Manay Po 2…Overload sa April 16.

CHERRY PIE PICACHE

DIREK JOEL LAMANGAN

JOEL LAMANGAN

JOHN PRATS

LUIS ALANDY

MANAY PO

MOTHER LILY MONTEVERDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with