‘Ubod ng pangit ang mga floats sa Parade of Stars ng MMFFP’ — Chairman Bayani Fernando

Nagsagawa ng isang symposium ang mga namamahala ng taunang Metro Manila Film Festival Philippines sa pamumuno ni Metro Manila Development Au­thority Chairman Baya­ni Fernando noong Sa­bado, Marso 29, 1-5 PM o ilang oras bago gana­pin ang appreciation dinner bilang parangal sa mga nagwagi sa MMFFP ’07 at pasa­salamat din sa mga suma­li. Ginanap  ang dala­wang aktibidad sa opisina ng MMDA.

Layunin ng pagtitipon na lumaki pa ang parti­sipasyon ng mga taga-industriya lalo na ng mga tagatangkilik ng taunang pista ng pelikula para mas gumanda pa ang kita ng mga pelikula sa takilya at lumaki pa ang halagang tanggapin ng mga benepisyaryo.

Sa kanyang panimulang pagsasalita, sinabi ni Chairman Fernando na hindi lamang pangit ang mga ginagawang karosa tuwing Parade of Stars. Paano raw mahihikayat ang mga taong dayuhin at panoorin ito kung ang mga makikita nila ay mga ubod ng papangit na karosa?

“Dapat nga ang karosang ito ay tumatagal hanggang sa pagtatapos ng MMFFP. Hindi iyong pagkatapos ng parada ay sinisira na agad ito. Dapat ay lumilibot pa ito sa mga lansangan para sa promosyon ng mga pelikula,” anang chairman na sinasang-ayunan ko rin.

Suhestyon ko rin na dapat ang mga nakasakay lamang ay ang mga artista ng pelikula at siguro tig-iisang alalay. Madalas ay kung sinu-sino lamang ang nakasakay sa mga floats at kadalasan ay natatakpan na ang mga artista. Sang-ayon din ako na dapat pagandahin ang lahat ng karosa. Kung mahirap ang produ, dapat tulungan sila ng  MMDA na ayon sa chairman nito pa rin ay nakikisali sa MMFFP sapagkat kinakatawan nila ang pinaka-malaking spon­sor nito, ang pama­halaan.

* * *

Sa dami ng mga tina­tanggap kong email na tumatangging ibigay ng ABS-CBN kay Gerald Anderson ang role ni Julian, ang businessman na magiging love interest ni Kim Chiu sa pinakaunang franchise na telenovela ng ABS-CBN, ang My Girl. Mas boto sila na kay Sam Milby mapunta ang role. Mas bagay daw ito sa role.

Unfortunately for them, the network has decided, si Gerald ang gaganap ng role ng businessman. By the time na mabasa n’yo ito, baka nagsisimula nang mag-gym si Gerald para mag­karo’n ng konting muscles. Baka nagsimula na rin siyang mag-fitting ng mga isusuot niyang corporate clothes. So you see, pwedeng ma-attain ng kahit na sino ang magmukhang executive, pwede rin itong mapag-aralan, kahit na si Gerald.

Sa mga fans ni Sam, ABS-CBN says na he was never considered for the role dahil may gagawin siyang Diosa with Anne Curtis. Isa pa, siya ang kakanta ng theme song ng My Girl na ini-record niya nung kalalabas pa lamang niya sa PBB.

* * *

Kung masaya ‘yung naunang Manay Po, parang mas masaya itong part 2 dahil open na ang pagiging gay ng tatlong “dalaga” ni Cher­ry Pie Picache, at me­ron na silang mga love interests.

Si John Prats, ayaw na kay Mike Tan, mas gusto na niya ang may amnesyang si Alex Cas­tro na bilib na bilib na may relasyon nga silang dalawa.

Si Polo Ravales, ba­gaman at sold pa rin kay Sid Lu­cero ay gusto na ring mag­kaanak kaya kumu­ha ng isang sek­sing ba­by­maker (Rufa Mae Quinto) na pinag­se­selosan ng hus­to ni Sid. Baka nga na­man ma­gawang straight ni Rufa Mae si Polo eh, lagot siya.

“Dalaga” na rin si Jiro Manio na hindi mala­man kung sa school gay beauty pa­geant ba siya sasali o sa swimming competition.

Show comments