Sa panahong ito, ang pinakamainit at pinaka-nakakatawang pakikipagsapalaran ay mangyayari hindi sa beach o bukas na lugar kundi sa loob ng hard court! Yup, humanda sa kakaibang paglalaro kasama ang mga nakakatuwa at kaibig-ibig na mga karakter sa craziest sport movie ng taon, ang Semi-Pro.
Punum-puno ng mga eksenang basketball na tiyak na aaliw sa kabataan man o adults, ang pelikula’y pinangungunahan ng America’s king of comedy ngayon—si Will Ferrell, ang sensational star ng Blades of Glory at Talladega Nights.
Dinirihe ni Kent Alterman, ang Semi-Pro ay tinatampukan nina Andre Benjamin, Will Arnett at Woody Harrelson at palabas na sa ika-2 ng Abril sa buong bansa.