Sex Bomb dadayo sa fiesta sa isla

Mahigit 200 katao ang magtitipon-tipon ngayong Linggo, Marso 30, sa Island Cove Resort ng Kawit, Cavite. Ito ang malakihan at panimulang paglulunsad ng BlueStar Healthcare Network, isang grupo ng mga pribadong ‘midwife’ na magbibigay ng serbisyo ng pangkalusugan sa mga maralitang pamayanan ng Cavite at Laguna. Mistulang isang kapistahan ang aasahan ng mga dadalo sa pagtitipong ito mula sa palatuntunan, musika, sayawan, palaro at pagkain.

Ang pagtitipon ay tinaguriang ‘Fiesta sa Isla’ at dadaluhan ng sikat na Sex Bomb dancers at bandang Frio. Si Mareng Winne Cordero ng Uma­gang Kay Ganda ang magsisilbing emcee sa buong pagdiriwang. Naanyayahan din ang mga kinatawan ng ilang ahensiya ng gobyerno na may kinalaman sa kalusugan at negosyo.

Ang mga benepisyong ibibigay ng BlueStar sa grupo ng mga pribadong midwife ay binubuo ng pagsasanay sa iba’t ibang kursong may kinala­man ng pamilya, pagpapa­ganda ng kani­lang mga paanakan, at pagbi­bigay ng magaan na pa­utang para sa mga kaka­i­langaning kaga­mitan ng kanilang ne­gos­yo. Ang BlueStar Health­care Network ay tunay na ‘Kasosyo sa Negosyo’ ng mga midwifena kabahagi nito at inorganisa ng Popu­lation Services Pilipi­nas, Inc. (PSPI), isang pribadong kumpanya mula pa noong 1991.

Show comments