Birthday ni Karylle inisnab ni Dingdong

Ang dami-daming tumatawag sa radio program ko sa DZBB, lahat nagtatanong kung naghiwalay na raw ba sina Dingdong Dantes at Karylle.

Birthday daw kasi wala si Dingdong Dantes nung Linggo sa SOP at lahat ay binati siya, maliban sa kanya.

Totoo ba ito? Baka naman hindi n’yo lang nakita. Kung hindi in front of the cameras baka naman behind. Wala naman tayong nabalitaang hiwalayan nila kaya I presume tuloy ang kanilang relasyon at siguro mas solid ito ngayon dahil nasubok na ng panahon.

Kayo naman ‘di ko malaman kung nagtatanong dahil concerned sa dalawa o baka naman deep inside wini-wish n’yo na magkahiwalay nga sila.

Huwag naman, mukha namang compatible sila sa isa’t isa. Walang ngang grabeng selosan tayong narinig maski na ng kasagsagan ng Marimar na kung saan parang totoong-totoo ang romansa nina Dingdong at Marian Rivera.

* * *

Malakas naman ang tsismis sa couple na ito na sinasabing naghiwalay matapos ang maraming taong pagsasama. Kung kani-kanino nali-link si girl habang wala kang marinig ni bulungan sa kampo ni lalaki.

Sana not true. Mapag-uusapan naman at maiaayos ang differences nila pero baka naman nagkasawaan na sila at naghahanap na pareho ng bagong kapareha. Tsk. Tsk.Tsk.

* * *

Mukhang hindi na mapipigilan ang pagsikat ng alaga kong si Jhake. Ang daming gustong magtayo ng fans club. Kung talagang interesado kayo, sumulat kayo sa akin (ako po ang manager niya) c/o Walang Tulugan, Broadway Centrum, Aurora Blvd., QC or GMA,Edsa, QC.

Kailan lamang kumanta sa Walang Tulugan si Jhake pero ang dami agad ng endorsements niya, Globe, Ayala Mall, Chowking, Lechon Lauriat. Meron din siyang ginagawang pelikula na kung saan kasama niya sina Maricel Laxa, Paolo Contis, Karylle, Michael de Mesa, sa direksyon ni Lore Reyes.

May karapatan namang mag-succeed ang batang ito. Bukod sa kumakanta na ay tumutugtog pa ng gitara, at hindi mahuhuli sa mga kabataang artista natin pagdating sa looks.

Show comments