MMFFP ’08 symposium at launching ceremony tuloy na

Inihayag ni over-all Metro Manila Film Festival Chairman Bayani Fernando at mga miyembro ng executive committee na magkakaroon ng symposium na pinamagatang The Problems of the Film Industry: How to Join and Earn from the MMFFP na idaraos ngayong Sabado, Marso 29, 2008, mula sa 1:00 pm-5:00 pm sa Manila City Room ng MMDA Bldg., Edsa cor. Orense St., Makati City.

Ang mga imbitadong facilitators ng symposium na sina Professor Jacinto Gavino at Cora Jimenez ay mula sa Asian Institute of Management (AIM).

Ang mga inanyayahang lumahok sa symposium ay lahat ng theater owners, movie producers, director, MMFF beneficiaries, opisyales ng iba’t ibang Guild at kapisanan na bumubuo sa film industry.

Pagkatapos ng seminar ay idaraos ang appreciation party ng 6:00 p.m. para sa lahat ng winners 2007 MMFF na siya ring magsisilbing paglulunsad ng 2008 MMFFP.

* * *

Nagbabalik ang M-GAGE (short for Male Engagement) sa concert scene na gaganapin ngayong gabi sa Aryan Theater sa Taft Ave., cor. Remedios, Malate. Ang show ay pinamagatang Hot and Spicy Maui for Dinner, Chokoleit for Dessert as the M-GAGE Concert with the special participation of Road 24.

May three-parts ang nasabing programa. For the first time din, kakantahin ng grupo ang newest original composition of Kiko Salazar, ang Tagu-Taguan. Ganap na 9:00 p.m. ang start ng show.

Show comments