Kambal na biyaya

Sa wakas, natupad na rin ang wish ni Ms. Vicky Morales! Noong Miyerkules Santo, naging ganap na ina na ang fairy godmother ng Wish Ko Lang sa kambal na lalaking sina Leon Alfonso at Filippo Luis.

At dahil kambal ang biyayang dumating kay Vicky, may kambal na engrandeng handog din ang sikat niyang programa.  

Samantala, ang dokumentaristang si Howie Severino at dating prinsesang si Ayen Munji Laurel ay tutulong sa Wish Ko Lang! na maghanap ng panibagong Good Samaritans.

Mula sa mala-palasyo niyang tahanan, tata­ha­kin ni Ayen ang Divisoria para maging isang mamba­batchoy. Sa kanyang pag­bebenta ng patapong gulay, may mahanap ka­yang mabu­ting kalooban ang gusgu­sing prinpsesa? 

Samantala, ang res­pe­­­ta­dong host ng I-Wit­ness ay patatandain ng Wish Ko Lang! May tumu­long kaya kay Lolo Howie na mag-iikot sa Maynila na wala ni piso sa bulsa?

Lahat nang yan sa Wish Ko Lang! ngayong Sabado,  4.30 ng hapon sa GMA7.

Show comments