^

PSN Showbiz

Rannie at Renz balik-eksena

-

Promise, talbog ang mga baguhang singer kina Rannie Raymundo at Renz Verano. Sobrang powerful ang boses nila. Sad lang bihira na natin silang makita samantalang ang daming singer diyan na ‘di makakanta, pero hanep ang exposure.

Kaya naman nang mag-collaborate sila para sa isang natatanging proyekto, maituturing na isang mahalagang event dahil matagal-tagal din silang namahinga sa paggawa ng kanta.

Sa pinagsama nilang talent, nabuo ang isang album na R&R Sessions (Rhythm and Rhyme)  na masasabing malayo sa image na pino-project nila noon - si Rannie bilang idol ng kolehiyala samantalang si Renz ay patok noon sa mga nanay, lola at mga lasenggero.

Sa 12-cut album ay kapansin-pansin ang magandang kolaborasyon nila sa mga dueto nilang Tirahin Mo, Paikut-Ikot, Walang Iwanan, Pwede Ba at Goodbye. Samantalang markadong-markado pa rin sa mga kantang Dahil Ikaw,  Kung Kailan Wala Ka Na at Balewala ang baritonong tinig ni Renz na siyang nagpasikat sa kanya.

At hanggang ngayon, tatak-kilabot ng kolehiyala naman ang hagod ni Rannie sa mga ballad songs na If I Could at Someone Like You, na siyang naging identity niya sa mundo ng musika. May espesyal na handog din sila para sa mga OFW - Uwi Na Ako na siguradong magpapa-antig ng damdamin ng mga makakarinig.

Iilan ang nakakaalam na malapit na magkaibigan ang dalawang ito na nagsosyo para maitayo ang digital recording studio na tinawag nilang BRATTRAX. Sa mga simpleng kuwentuhan at mga gimik sessions dito, nabuo ang R&R: sessions album na ngayon ay idi-distribute ng Viva Records.

Bahagi rin ng mga bagong ‘tira’ sa musika nina Renz at Rannie ang makadiskubre ng mga sariwang talino. Balak din nilang palawakin ang naturang recording studio upang sa malaon ay maging isang ganap na music production and distribution company.

Sa darating na Abril 26, at 9:00 p.m, magkakaroon sila ng concert na gaganapin sa Teatrino, Greenhills.

DAHIL IKAW

IF I COULD

KUNG KAILAN WALA KA NA

RANNIE

RENZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with