“Dr. Pastorfide (Kris Aquino’s doctor) already ruled that I had miscarriage. My gestational sac has collapsed and my ovum is blighted. This I’m sure is part of God’s will because He wants me to be able to give my mom the best care and as much time as possible without any health concerns of my own.”
Ito ang text message ni Ms. Kris Aquino sa ilan niyang mga kaibigan kahapon. Though walang confirmation na buntis siya kahit na kabi-kabila ang balita tungkol dito, confirmed na ngayong nagbuntis siya.
The other day, si Kris kasama ang kapatid niyang si Sen. Noynoy Aquino ang nag-break ng news tungkol sa sakit ng kanilang ina - si former President Corazon Aquino na meron itong colon cancer.
Napansin lang ng isang showbiz authority na everytime na magbubuntis si Kris, nagkakaroon ng problema. Una si Phillip Salvador - ayaw ng mommy niya sa actor. Second, sa asawa niyang si James na sa kalagitnaan ng kanyang pagbubuntis ay biglang lumabas ang iskandalo tungkol sa kanila ng masahistang si Hope Centeno. At ngayon naman, biglang na-detect ng mga doctor ng mommy niya na meron itong colon cancer.
Like her mom, kailangan din siguro nating ipagdasal si Kris. Prayerful na siya, pero kailangan niya pa ng dasal natin.