SEEN: Hindi lamang ang mga pirated DVD ng laban nina Pacquiao at Marquez ang ibinebenta sa bangketa. Mabibili na rin ang pirated copies ng mga TV show na Kamandag, Marimar, Palos at Lobo. May pirated copies din ang Ate at Half-Blood Samurai ngunit hindi ito mabenta. Flop sa takilya, flop pa sa bangketa.
SCENE: Ang sabi ni Rufa Mae Quinto, maarte, makapal at bastos si Jessa Zaragoza. Ill-advised si Rufa Mae. Hindi na niya dapat pinatulan ang pag-iingay ni Jessa dahil nagamit at nagpagamit siya. Between Jessa and Rufa Mae, may career ang huli na dapat pagkaabalahan.
SEEN: Unseen sa showbiz scene si Nancy Castiglione. Mula nang magpabago ng mukha si Nancy, nagbago rin ang kanyang suwerte.
SCENE: Kapag pinupuna ng Seen/Scene ang mga artista at programa ng GMA 7, pinagbibintangan sila na kampi sa ABS-CBN. Kung ang mga programa at artista naman ng ABS-CBN ang kanilang sinasaling, inaakusahan sila na kampi sa GMA 7. Nililinaw ng Seen/Scene na wala itong TV network o artista na kinakampihan. Sa tama po lamang tayo.
SEEN: Magkasamang nanood ng laban nina Pacquiao at Marquez sa Las Vegas ang mag-inang Jean Saburit at Nicole Anderson. Bati na sila. Hindi talaga dapat sineseryoso ang away ng mag-iina dahil sasapit ang panahon na magkakasundo sila.
SCENE: Special participation lang ang billing ng pangalan ni Ara Mina sa Prinsesa ng Banyera. Tumataba naman si Kristine Hermosa dahil malaki ang kanyang mga braso sa mga eksena niya sa Prinsesa ng Banyera. Diet at hindi si Diet ang kailangan ni Kristine.
SEEN: May sawa factor ang paulit-ulit na pagkukuwento ni John Lapus sa mga talk show tungkol sa kanyang mga unsuccessful lovelife. Dapat maisip ni John na maaaring siya ang may diprensya kaya madalas ang kanyang pagkabigo sa pag-ibig. Iwaksi rin niya sa kanyang utak na hindi interesado ang viewers sa kanyang buhay pag-ibig.
SCENE: Hindi ikinagulat ng Seen/Scene ang kumpirmasyon ng balita na hiwalay na si Sheryl Cruz sa kanyang asawang si Norman Bustos. Tandaan, walang maligayang babae na lalayo sa piling ng kanyang asawa kung wala silang problema sa kanilang pagsasama.