Nude photos ni Hero Angeles fake

SEEN: Chaka at palpak ang mga eksena ng huling episode ng Marimar. Tumalon sa dagat si Marimar at ang kanyang anak na si Cruzita ngunit tuyung-tuyo ang kanilang mga damit nang umahon sila. Gabi nang maglaban sina Marimar at Angelica ngunit naging mali­wanag ang paligid nang suma­kay sila sa helicopter.

SCENE: Malayung-malayo ang mga drama series ng GMA 7 sa mga drama program ng ABS-CBN na pinag-iisipan at pinag­hahandaan. Malas lang da­hil hindi nagre-rate ang maga­gan­dang programa ng ABS-CBN tulad ng Lobo at Maging Sino Ka Man.

SEEN: Fake ang nude pictures ni Hero Angeles na kumakalat sa internet. Kamukhang-kamukha lamang niya ang lalake sa nude pictures na nakatulong para mapag-usapan si Hero na matagal nang nagpahinga ang showbiz career.

SCENE: Babalik sa Pilipinas sa May ang mag-asawang Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado upang magbakasyon. Aasahan ng Seen/Scene na magpapaintrebyu pa rin si Jessa tungkol sa away nila ni Rufa Mae Quinto. Kung hindi hihinto sa pagsasalita si Jessa, hindi matatapos ang sigalot nila ni Rufa Mae.

SEEN: Ayaw pangunahan ni James Yap si Kris Aquino sa isyu ng pagbubuntis nito. “Siya ang tanungin ninyo,” ang sagot ni James sa mga nagtatanong sa kanya kung buntis nga ba uli ang kanyang asawa. Madaling sumagot ng oo o hindi ngunit hindi ito ginawa ni James. Marunong siyang makilaro. Kayo na ang maging basketball player.

SCENE: Ang Boracay ang destinasyon ng mga artista na magbabakasyon ngayong Holy Week. Walang privacy sa Boracay ang mga artista dahil pupuntahan sila ng mga showbiz talk show crew para kunan ang kanilang activities.

Show comments