Dahil kay Jolo, Lovi hinihigpitan na ng ina

Nag-e-emote si Jun Lalin dahil sa blind item na lumabas kahapon sa isang broadsheet. Nagba­bakasyon pa si Jun sa Amerika pero updated siya sa mga nangyayari sa ating bayang magiliw kaya imbyerna siya sa blind item na wala raw katotohanan.

Ang sey ng broadsheet, ang publicist ng sikat na young actor ang nagkalat sa text ng balita na inisnab niya ang mga beteranong artista para may isyu na sasagutin ang kanyang alaga. Na gumamit siya ng ibang sim card para hindi ma-trace na siya ang nagkalat sa text ng tsismis.

Eh si Jun ang official publicist ni Richard at ng mga Gutierrez. Kahit blind item ang pagkakasulat, na-hurt si Jun dahil obvious daw na siya ang tinutukoy.

Hindi raw siya tanga para gawin ‘yon dahil parang siya na rin ang sumira kay Richard at sa kanyang sarili.

Matagal ko nang kilala si Jun. Hindi niya gagawin ‘yon para lang mapag-usapan ang kanyang mga alaga. Nagkataon na papunta si Jun sa simbahan nang mabasa nito ang  blind item kaya ipinagdasal niya ang tao na nagsulat ng blind item.

Hindi ako naniniwala na magagawa ni Richard na isnabin sina Tito, Vic, Joey at si Mang Dolphy.

Sa totoo lang, nag-react ang isa nating kababayan na nagpunta sa Kodak Theater at nanood ng Visionary Awards dahil wala raw ganoong insidente.

Read n’yo ang eyewitness account ni Pfete:

Lolit, pakisabi sa mga nagkakalat ng balita na inisnab daw ni Richard G. sina Joey at iba pang senior stars na they are a bunch of liars!

Nandoon ako, Lolit at nakita ko in person na si Richard pa ang unang lumapit sa kanila nang umakyat sila sa stage noong last part ng program.

Late dumating si Richard at nakaupo na ang lahat. Sa laki ng Kodak Theater, hindi naman puwedeng maglakad siya at magkakakamay!

At si Richard din ang second to the last na sikat na lumabas sa Kodak Theater, and when he came out, HE WAS VERY POLITE AND ACCOMODAT­ING SA MGA FANS.

Actually, sina _____ pa nga ang hindi tumigil para sa fans dahil nagmadali silang sumakay sa limo nila.

Mabuti pa sina Daboy, Bong Revilla, kahit papa­ano nag-pose nang konti. MIKE ENRIQUEZ WAS ALSO VERY NICE. Si Richard G., walang arte at na- accomodate lahat ng gustong magpa-picture, so tigilan na ang black propaganda sa kanya.

Richard stayed until 12:30 a.m. Great kid, not a trace of arrogance! 

* * *

Watch n’yo ngayong hapon ang Startalk dahil nakunan kagabi ng aming masipag na crew ang birthday celebration ni Jolo Revilla sa bahay nila sa Ayala Alabang.

Si Jolo ang nag-asikaso sa kanyang mga bisita porke nasa Amerika pa sina Lani Mercado at Bong Revilla.

Sino ang special guest ni Jolo? May iba pa ba? Eh di si Lovi Poe na hinihigpitan daw ng kanyang madir na si Rowena Moran!

Show comments