Maegan pinilit lang kumanta ng ama

Pumunta ako sa launching ng album ni Maegan Aguilar para sa Dyna Music na ginanap sa Eastwood Libis at talaga namang nagulat ang maraming sumaksi nito sa husay na ipinamalas niya, hindi lamang sa pagkanta kundi magtugtog ng gitara at paghampas sa drums.

“Bago pa ako nakumbinse ni tatay na mag-singer ay nagda-drums na ako. Nagsimula akong pumalo at the age of eight, by that time I was 13, ito na talaga ang gusto ko. Katunayan, balak ko pa nga nung pumasok sa  Percussion Institute Technology sa Hollywood, California ang maging drummer nina Sting o Lenny Kravitz. Gusto ko ring maging kauna-unahang babaeng drummer na makilala sa buong mundo. Kung hindi man mangyari ito, sabi ko puwede naman akong maging session drummer dito, magbigay ng clinic sessions, o kaya naman maglabas ng mga tapes na nagtuturo ng pagtugtog ng drums.”

Hindi nangyari ito, dahil nagkaroon sila ng maraming pagta­talo ng kanyang ama at binigyan siya nito ng ultimatum  na kung hindi siya magsi-sing­er ay tulu­yan na niyang kalimutan ang pag­tug­tog, hindi na ito papayag na pu­ma­­sok siya sa mundo ng musika.

“Kahit astig ako I let go of my pretty big plans and took to singing. Hindi naman ako masyadong nahirapan dahil binigyan na­man ako ng Diyos ng mga talents, kasama na rito ang pagkanta.

“Kumakanta ako ng rock and roll, blues, folk, soul, alternative, pop,  jazz, R&B, bossa nova, rap at kahit anong maisip ko magagawa ko, except siguro  mga musicals, opera o classical pero kung magti-train ako, kakayanin ko rin ito.

“Wala naman akong efforts na pantayan o lampasan man lamang si Freddie Aguilar. Mahi­rap, but I wanted to make it on my own. Madali dahil  unang-una, hindi kami magkamukha. He looks like Jackie Chan in Shanghai Noon, I look like my beautiful mother and grandmother.”

“Following in his footsteps doesn’t necessarily mean the same thing will happen to me. I’m still not him, right?

“What I do is enjoy these gifts from God. I’m always at my best on stage, no matter what.”

At naniwala naman ako at maging yung mga nakasama kong nanood ng launch, maganda siyang tingnan, sexy in her bare back outfits, magandang kumilos - maganda siya as a whole.

I’ve never thought of her as a total performer, but there she was regaling her crowd with her music, ably supported by a brother, Jericho, na isa na yata sa pinakamagaling na gitarista na nakita ko, at magaling ding kumanta. Hinihintay ko na lamang na samahan sila sa stage ni Freddie who came to support Maegan pero, hindi ito umakyat. Bakit kaya? Nagkasya na lamang siyang panoorin ito at pakinggan ang mga palakpak at papuring sinasabi nila sa kanyang mga anak.

Suwerte ang Dyna Music na makuha ang serbisyo ni Maegan. Maganda ang album nito na naglalaman ng 12 songs, 11 dito ay si Maegan mismo ang gumawa. Carrier single nito ay ang Di Kita Maiwasan.

Mapapanood siya regularly sa Tiendesitas tuwing Miyerkules.

At kung hindi pa sapat ang mga talino niya. She handpaints her own line of shoes and bags dubbed MaeganARTLINE now!

* * *

Nahuli sina Jake Cuenca at Riza Santos na intimate sa isang set! Napansin ng mga nakasaksi na ang  New Prince of Action at ang ex-PBB Celebrity Edition 2 housemate ay nagkakamabutihan na at nakitang naglalambingan dahil ito ang kailangan para sa isang mainit na eksena ng action-serye na Palos.

Kinuhanan sa Macau, China kung saan maraming fight scene sina Jake at ang kanyang seksing leading lady na si Bangs Garcia. Abangan ang Palos, gabi-gabi sa Primetime Bida, pagkatapos ng Lobo.

* * *

E-mail:  veronicasamio@yahoo.com

Show comments