Tapos na ang intriga kina Maja Salvador at sa manager niyang si Tita Chit Ramos. Back to each other na sila na sabi nga ni Maja ay never namang nawala as manager si Tita Chit.
Besides meron naman daw talaga silang contract up to October so hindi puwedeng maging issue na aalis na siya.
There was a time kasi na nagkaroon sila ng “problema” ng kanyang manager pero ang ending, ok na uli sila.
Nangyari ang “reconciliation” nila sa lamay ng mother nila Tita Chit, Tita Len and Tita Ethel Ramos kung saan din nagsimula ang issue kina Lani Mercado at Ruffa Gutierrez na ngayon ay malaking issue na.
Nag-attend siya sa libing at niyakap siya ni Tita Chit. Pinuri si Maja sa naging gesture niya dahil common knowledge naman na ang manager naman talaga ang dahilan kaya magandang-maganda ang takbo ng career niya ngayon.
Anyway, hindi na lang solo ni Tita Chit ang pagma-manage ng career ni Maja dahil co-manage na siya ng STRAM (Star Records Artists Management) nina Ms. Malou Santos. Pero lahat naman daw ng project na tinatanggap niya ay dumadaan pa rin kay Tita Chit like itong endorsement niya sa Banana Peel, isang brand ng flip-flops na patok ngayon sa mga bagets dahil very affordable ang presyo. Yun kasi ang in ngayon lalo na at summer na.
Anyway, going back to Maja wala pa ring masabi si Maja tungkol kay Carlo Aquino na matagal nang nali-link sa kanya at isa dating factor kung bakit nagkaroon sila ng misunderstanding ng manager niya. Pero hindi naman daw sila nagkikita, though admitted siya na madalas silang nagti-text.
Anyway, isa si Maja sa mga in demand na product endorser.
* * *
Nag-enjoy ang mag-asawang Richard Gomez and Lucy Torres sa panonood ng concert ng Golden Divas - Pilita Corrales, Carmen Pateña at Carmen Soriano the other night sa Music Museum. Meaning mahilig ang mag-asawa sa old music kaya nang maglabasan na, say ni Lucy nag-enjoy sila sa concert. Parang nakita ko pa ngang namimili si Goma ng CDs na binibenta sa labas ng concert venue.
Aside from Richard and Lucy, nasa audience din si Ms. Boots Anson Roa, Arnell Ignacio, Mr. Ben Chan at marami pang iba.
Kung sabagay, kahit malayung-malayo ang generation, mai-enjoy mo talaga ang show dahil nakakatuwa ang tatlo.
Hindi rin naman ganun kaluma ang mga kinanta nila kaya kahit paano, familiar ang songs nila.
As expected, dumagsa ang maraming lolo at lola sa nasabing two night concert na idea ni Mr. Vic del Rosario ng Viva Concerts and Events.
* * *
Parang disappointed lang ako sa nanalong Ms. World sa ginanap na Binibining Pilipinas the other night din. Parang mas deserving ang mga runners-up na makakuha ng titles kesa sa mga title holders.
Disaster ang sagot ni Janina San Miguel sa Q and A portion. Hindi niya nasagot at panay ang sabi niya ng sorry. Pero sadly, siya pa ang nanalong Ms. World.
Paano na lang kaya siya makikipag-compete sa international competition kung sa ginanap na coronation ng Binibining Pilipinas eh sobrang kinabahan na siya? (SVA)