Teenager pa lamang nanay at tatay na ng pamilya

Sa gulang na 19, wala namang reklamo si Kim Chiu kung siya man ang maging bread winner ng kanyang pamilya. Naniniwala siya na kaya nga siya nanalo sa unang PBB Teen Edition ay dahil may responsibilidad siya, malaking responsibilidad sa kanyang mga magulang at kapatid. Nagpa­pa­sa­lamat na lamang siya at dahil sa magandang su­wer­te na dulot ng kanyang pagiging first PBB Teen Edition winner ay mas magandang buhay ang tinatamasa nila.

“Kaya ako nagsisikap ay para sa kanila. Kumi­kita na ako enjoy pa ako sa trabaho ko. Dati panga­rap ko lang ang maging artista, hindi ko inaasahan na makikita ko ang sarili ko gabi-gabi sa telebisyon,” pag­tatapat ni Kim na napili ng ABS-CBN para gam­panan ang title role sa pagpapalabs sa TV ng My Girl.  

Samantala, muling bubuksan  ni kuya ang kan­yang bahay sa Easter Sunday para sa 12 house­mates ng 2nd PBB Teen Edition. May kaunting pag­ba­bago dahil may karagdagang isang host, si Luis Manzano  who will be joining Toni Gonzaga, Bianca Gonzales  at Mariel Rodriguez.

Sa buwan ng Mayo naman ay gaganapin  ang Philippine Dream Academy 2  with new headmaster Ryan Cayabyab.

Matatandaang si Yeng Constantino  ang kauna-unahang grand dreamer dito, si Yeng na naniniwalang kaya lamang siya natanggap ay dahil sa kanyang audition ay nagreklamo siya kay director Lauren Dyogi nang di nito pinatapos ang kanyang pagkanta at sa halip ay pina-thank youhan na lang siya.

“Sabi ko, ‘thank you lang po? Natawa siya at ayun pinapirma na ako,’ pagbabalik-alaala ni Yeng na matapos manalo sa unang PDA ay nagkaroon ng triple platinum debut album, sold out solo concert, matagumpay na world tours at sandamakmak na awards. Na-release na rin  ang kanyang ikalawang album na pinamagatang Journey.

* * *

Big break lang talaga ang kailangan para magtuluy-tuloy na ang career ni Glaiza de Castro.

Kailan lamang nagsimulang mapanood ang Kaputol ng Isang Awit  na pinagbibidahan nila ni Lovi Poe pero pinapirma na agad siya ng eight picture exclusive contract nina Mother Lily at Roselle Monteverde  sa Regal. Unang pelikulang gagawin niya ay Ultraelectromagnetic Love.

* * *

Marami ang naghihintay na mapanood na ang balitang bonggang kasalan nina Marimar Aldama (Marian Rivera) at Sergio Santibañez (Dingdong Dantes)  sa pagtatapos ng kanilang matagumpay na serye sa Marso 14.

Ipalalabas sa Showbiz Central ngayong hapon ang paghahandang gina­gawa para sa nasabing kasalan na gagawing live. Maaaring isa ka sa mana­nalo ng imbitasyon sa kasalang ito. Suwerte mo naman!

* * *

Inihayag ni Chairman Bayani Fernando  at mga miyembro ng executive committee ng Metro Manila Film Festival 2008  na magkakaroon ng  symposium na pinamagatang The Problems of the Film Industry: How to Join and Earn from the MMFFP na idaraos ngayong 1-5 NH sa Manila City Room ng MMDA Bldg. EDSA cor. Orense St., Makati City.

Ang mga imbitadong facilitators ng symposium ay sina Prof. Jacinto Gavino  at Cora Jimenez mula sa Asian Institute of Management (AIM).

Ang mga inanyayahang lumahok sa symposium ay lahat ng theater owners, movie producers, directors, MMFF beneficiaries, opisyales ng iba’t ibang guild at kapisanan na bumubuo sa film industry.

* * *

Nahuli sina Jake Cuenca at Riza Santos na nagiging intimate sa set ng Palos! Napansin ng mga nakasaksi na ang New Prince of Action at ang ex-PBB Celebrity Edition 2 housemate ay nagkakamabutihan na at nakitang naglalambingan dahil ito ang kailangan para sa isang mainit na eksena ng action-serye na Palos.

Ginagampanan ni Riza ang role ni Princess Simona, isang misteryosong babae na susi sa isang misyon nina Palos.    

Kinuhanan sa Macau, China kung saan maraming fight scene sina Jake at ang kanyang seksing leading lady na si Bangs Garcia.

Abangan ang Palos, gabi-gabi sa Primetime Bida, pagkatapos ng Lobo.

o0o

TY sa mga nakaalala ng birthday ko nung March 7.

* * *

veronicasamio@yahoo.com

Show comments